Revival Of The Dead Heart (Co...

By anxiouschip

1.2K 601 60

Shane Smith, a depressed woman who still cannot move on from her fiancé who died. After two years, Andrei Wil... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: Dull
Chapter 2: Drunk
Chapter 3: Birthday Celebrant
Chapter 4: Carried
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Strange
Chapter 7: Blurry
Chapter 8: It's You
Chapter 9: Catch Up
Chapter 10: Kiddie
Chapter 11: Bug
Chapter 12: Last Wish
Chapter 13: Unfair
Chapter 14: Joke
Chapter 15: High Smoke
Chapter 16: Sketch
Chapter 17: Doubled Fear
Chapter 18: Hallucinate
Chapter 19: Fever
Chapter 20: Beginning
Chapter 21: Journal
Chapter 22: Ticket
Chapter 23: Court
Chapter 24: Unexpected Return
Chapter 25: Hatred
Chapter 26: Father's Love
Chapter 27: In-Law
Chapter 28: Another
Chapter 29: Reunite
Chapter 30: Conceal
Chapter 31: Disturbed
Chapter 32: Find Him
Chapter 33: Kisses
Chapter 34: Red Alert
Chapter 35: No More Conflicts
Epilogue
Help!

Chapter 36: Stars Of The Night

8 2 0
By anxiouschip

SHANE'S POINT OF VIEW

Kanina pa nagsimula ang event kaya halos puno na rin ang lugar. May mangilan-ngilan na ring nagsasayawan sa dance floor.

Nagmistulang ice palace ang loob ng extension hall ng hotel. Nalaman namin sa isang staff kaninang umaga na 'White Christmas' ang theme ng ball. Nababalutan ng purong puti ang paligid. Ang stage at sahig ay natatakpan ng kunwaring snow na sa tingin ko'y puting buhangin lang. May mga snowflakes namang nakabitin sa kisameng sumasabay sa kinang ng blue chandelier at mga kunwaring tipak ng yelong palamuti sa gilid-gilid. Mayroon ding malaking white christmas tree sa gilid ng stage.

"Bagay na bagay talaga sa iyo iyang pinili kong damit." Kanina pa ako pinupuri ni Mama magmula noong nasa loob pa lang kami ng hotel room namin.

"Ma, kanina mo pa sinasabi iyan. Of course, kayo po ang pumili, eh."

Paired with white heels, winter blue ball gown itong suot-suot ko. Komportable naman siya kahit na sleeveless dahil turtle neck ang design. Hinayaan lamang ni Mama na ilugay itong buhok ko ngunit, medyo kinulot niya ito sa dulo at sinamahan ng light makeup.

Sina Papa at Mama naman, terno ang kanilang suot – parehong light grey ang kulay.

Uminom ako ng kaunting lemonade matapos akong kumain. Tapos na rin sina Mama kaya pumunta na sila sa dance floor para magsayaw. Kinindatan ko pa si Papa nang ibigay niya kay Mama ang isang white tulip habang nagsasayaw sila. Kanina niya pa kasi iyon tinatago sa loob ng kaniyang tuxedo.

Umangat ang tingin ko sa lalaking naglahad ng kaniyang palad sa aking harapan. Ngingiti-ngiti ito habang nakatingin sa akin. "Shall we dance, Miss Beautiful?" Bolero.

I gave him an apologetic smile, kasabay ng pag-iling ko. "Sorry, I refuse."

"Then, let me join you here habang wala pa ang mga kasama mo." Umupo siya sa katabi kong upuan.

Umupo na siya, makakatanggi pa ba ako? Hindi naman ako ganoon kasama para paalisin na lang siya kahit na nakaupo na siya.

"They are your parents, right?" tukoy niya sa mga magulang kong kasalukuyang nagsasayaw, "So sweet."

"Yes, they are."

"May I know your name?"

Naningkit ang mga mata ko nang marinig ang kaniyang tanong. "Are you hitting on me?" wika ko, ikinasabog niya ito sa tawa. Napatingin pa nga ang ilang mga attendees na malapit sa amin. "So, hindi."

"You are funny, Miss." Unti-unti na siyang kumalma at umayos ng upo. "Gusto ko lang naman malaman ang pangalan mo, eh. I just want to be friends with you."

Napangisi ako. "Lame reason. Lumang palusot na iyan."

"I mean it. Oh, I forgot to introduce myself. I am Engineer Luke Chesterfield."

Tinanggap ko na lamang ang kaniyang kamay at nakipag-shake-hands. "Attorney Shane Smith."

Nanlaki ang kaniyang mga mata, tila ba namangha noong malaman niyang isa akong abogado. "Whoa. Cool."

Napabuntong-hininga na lamang ako nang magsimula na siyang magdaldal tungkol sa buhay niya. Hindi naman ako interesado kaya pasok-labas sa mga tainga ko ang kaniyang mga kinukuwento. How I wish na umalis na siya.

"Shane, what a coincidence!"

Kaagad akong napatayo at sinalubong ng yakap ang isang babaeng nakasuot ng winter green na gown.

"May, ano ang ginagawa mo rito? Akala ko ba busy ka sa work mo?" kunot-noong tanong ko nang maalala ang sinabi niya sa akin noong huli naming pag-uusap.

"Ah, iyon ba? Yes naman, part ito ng work ko. I came here personally para kausapin ang owner ng resort na ito. Dito kasi ipapatayo 'yung bagong branch. Nagkataon namang nabanggit niya ang tungkol sa event na ito at iyon, he invited me. Ikaw? Akala ko ba, narito kayo para magbakasyon at mag-relax?"

"This ball is also part of our vacation, May," nakangiting sabi ko. Iginala ko ang aking tingin sa paligid upang hanapin kung mayroon siyang kasama. "Mag-isa ka lang na pumunta?"

"Actually, hindi. Kaibigan pala nila Ben 'yung owner ng resort. Kaninang umaga lang kami nagkakita-kita kaya nagkasundo kaming sabay na kaming um-attend dito ngayon. Hayun sila." Itinuro niya 'yung isang hindi kalayuang table kung nasaan nakaupo sina Ben at Zy habang nag-uusap.

Medyo nakaramdam ako ng pagkadismaya noong hindi ko siya makita. "Silang dalawa lang?"

"Si Andrei ba ang hinahanap mo?"

Sumimangot ako nang ngumisi si May. Itinuro niya ang kaniyang daliri sa gilid ng stage kaya sinundan ko iyon ng tingin. Mas lalo akong napasimangot nang makitang nakikipag-usap si Andrei sa dalawang babae habang nakangiti. Medyo tatawa-tawa pa siya, bagay na higit na nagpainis sa akin.

"Jealous, huh?" Pinukulan ko ng masamang tingin si May. Nagawa pa akong asarin.

Dahil sa inis na iyon, inaya ko si Luke na magsayaw. "Gusto mo akong isayaw, 'di ba?"

"But you refused."

"Well, ngayon, hindi na. Come on."

Tumayo naman siya at kasama kong pumunta sa dance floor. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa kaniyang mga balikat at ang kaniyang mga kamay naman ay kaniyang inihawak sa aking baywang. Sa gilid lamang kami sumayaw dahil masiyadong agaw-pansin kung sa gitna.

"What's with the sudden change of mind? Because of your boyfriend?"

"Just be grateful na pumayag na akong isayaw mo," pagtataray ko.

"Alright."

Wala pang isang minuto ang pagsasayaw namin nang may maramdaman akong taong sumulpot sa aking likuran. Nadama ko ang halik niya sa gilid ng aking leeg. Simpleng halik lang iyon sa tingin ng iba ngunit ramdam ko ang bahagya niyang pagkagat doon.

"You are making me jealous," bulong niya, halos hangin na lang sa aking kanang tainga. "Hey, Bro, puwede ko na bang bawiin ang girlfriend ko?"

"She's yours, Bro." Pabiro pang itinaas ni Luke ang kaniyang dalawang kamay na tila sumusuko. Bago umalis, kumindat pa siya sa akin habang nakangisi. "Nice meeting you, Attorney Smith."

Ngumiti na lamang ako bilang tugon ngunit, naglaho rin iyon nang masilayan ko ang pagmumukha ni Andrei. Napakalakas ngayon ng loob niyang humarap sa akin matapos niyang makipag-usap sa mga babaeng iyon.

"Masama ang kutob ko sa lalaking iyon," mariin niyang saad.

I rolled my eyes. "He's nice kaso, may pagkamadaldal nga lang."

"Whatever."

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila ako papunta sa gitna ng dance floor. Ayos lang naman dahil marami-rami na ring sumasayaw dito. Hindi na kami magiging agaw-pansin.

Gusto kong matawa dahil sa magkapareho kami ng kulay ng suot ngunit itinago ko na lang iyon sa kalooban ko. Nagseselos pa rin ako dahil sa ginawa niya kanina.

Humarap siya sa akin at ngumiti. Siya na ang mismong dahan-dahang naglagay ng mga kamay ko sa kaniyang mga balikat. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin kaya tumingin na lamang ako sa gilid nang unti-unti niyang hinawakan ang aking baywang.

Hindi ko marinig nang maayos ang mabagal na kanta dahil mas naririnig ko ang tibok ng puso ko. Medyo pigil din ang hininga ko dahil mas hinigit pa ako ni Andrei palapit sa kaniya.

"What's wrong? Ba't ka nakasimangot?" Ramdam ko ang lambing sa paraan ng kaniyang pagkakasabi.

Doon ko lamang siya nagawang titigan sa mata. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang lapit ng mga mukha namin. "Y-you made me jealous earlier," pag-amin ko, "Nagawa mo pang makipag-usap sa dalawang babae kanina. You were laughing with them."

He chuckled. "Don't be. Batchmates ko sila noong high school. Nagkataon lang na na-meet ko sila ulit dito. Nagkamustahan lang ng kaunti. Now, smile."

Nanatili pa rin akong nakasimangot. "You bit me," tinutukoy 'yung kagat niya sa aking leeg.

"You danced with another guy, Shane. Malamang, magseselos ako. That bite?" Mas lumapit siya at itinapat niya ang kaniyang bibig sa aking kaliwang tainga. "Make me jealous again. I'll bite you next on your shoulder."

Namalayan ko na lamang ang sarili kong nakangiti habang nakatingin sa kaniya. "I didn't know that you have this kind of side of yours."

"Is it scary?" Nanatili pa rin ang kurba sa kaniyang mga labi.

"No, it's quite amusing."

"You love it, then."

Sa kalagitnaan ng kanta, biglang tumutok ang spotlight sa aming dalawa. Nagkatinginan kami ni Andrei nang magsigilid lahat ng mga kasama naming sumasayaw. Nakatingin sa amin ang mga tao habang nakangiti. Panandaliang nabura ang mga ngiti ngunit, nagbalik din ang mga iyon nang mapagtanto namin kung bakit.

"Ladies and gentleman, here they are, the 'Stars of the Night'," pagpapakilala sa amin ng speaker na sinundan ng palakpakan ng mga tao.

"Hindi na rin masama para sa first dance nating dalawa," wika ko.

Balak ko sanang ngumiti sa mga tao ngunit pinigilan ako ni Andrei. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap muli ang mukha ko sa kaniya. Napangiti ako at napapikit nang halikan niya ako sa aking noo.

"Don't look at them. Let me have your eyes alone."

Continue Reading

You'll Also Like

Paint In Red By ATE REID

Mystery / Thriller

346 119 6
WARNING: MATURED CONTENT | R-18 "The Scarlet Queens," known for their beauty, power, and bad behavior in school. Following instances of bullying and...
29.4K 294 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
124K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...