January 2021 (iv) News From Around Wattpad

154 8 0
                                    

Mayroong mga kapana-panabik na mga aktibidad sa Wattpad para sa buwan ng Enero! Mula sa writing contests, awards, general activities at iba pa, ibabahagi namin sa inyo ang mga balita tungol sa pinakabagong pangyayari sa Wattpad.

---

AmbassadorsPH

Sa pagsalubong sa panibagong taon, magkakaroon na rin ng ilang pagbabago sa ating buwanang patimpalak sa pagsulat: ang Write-a-thon.

Simula ngayong Enero, ang writing prompts may magmumula hindi lamang sa tema kada buwan kundi maging sa mga retrato! Para sa unang buwan, ang tema ay What's In, What's Out 2021. May ilalabas kaming apat (4) na retratong makatutulong sa inyo na bumuo ng inyong lahok.

Gaya ng dati, ang pagsumite ay gagawin sa comment section sa pamamagitan ng pagkukomento ng link ng inyong lahok at ng pamagat.

Ang mga mananalong kalahok ay mabibigyan ng sertipiko at sticker na maaaring gamitin sa pabalat ng inyong lahok. Bukod dito, ilalagay sa reading list ng AmbassadorsPH ang lahat ng nanalo para mai-promote sa iba pang mga mambabasa.

Para sa mga di mananalo, sila ay mabibigyan ng editable Statement of Participation.

Ang mga lahok ay titignan base sa kabuuang laman at aral ng lahok, maayos na balarila at pagiging malikhain sa pagsulat.

I-follow ang AmbassadorsPH upang makakuha ng updates para rito.

---

FanFicPH

Guess the Fandom ay isang panibagong handog ng FanFicPH kung saan ang mga kalahok ay manghuhula kung ano ang tamang sagot sa aming mga trivia at facts. Ang layunin ng aktibidad na ito ay para makapagpakilala ng mga bagong fandoms sa mga followers ng profile na maaaring makapukaw ng kanilang intreres. Ngayong Enero, ang paksa ng aming mga trivia at facts ay ang inyong paboritiong lokal na love teams!

Ang With Your Idol ay isa pang handog ng FanFicPH na nagsimula noong Disyembre para mabigyan ng lugar ang mga fans para ibahagi ang kanilang kalungkutan sa mga nakansela at na-postpone na mga concerts at shows ng kanilang mga idol. Ngayong Enero, ibinigay ng FanFicPH ang pagkakataon sa mga followers nito para makapagbahagi ng kanilang mga ideya. Bubuoin natin ang isang mundo kung saan ang mga sasali ay malayang makakasama ang kanilang mga idolo, at para sa buwan na ito, ating bubuksan ang mahiwagang mundo kasama ang iconic na love team na Aldub.

I-follow lamang ang FanFicPH para maging updated sa iba pang detalye ng mga aktibidad na ito. Hihintayin ka namin!

---

PabalatPH

Sa Enero 2021, ilulunsad ng PabalatPH ang Question of the Week kung saan bawat Biyernes, ang mga miyembro at artists ng PabalatPH Community ay mabibigyan ng iba't ibang katanungan.

Ang programang ito ay magsisilbing wellness check-in sa mga artists kaugnay sa pamamatnugot, kaisipan o saloobin at mga inaasahan nila sa bagong taon, ang 2021.

Saklaw ng mga katanungan ang mga tanong katulad ng, "What is the most amusing or worst requests you've done last year?", "To conclude your year 2020, can you share your new learnings, discoveries or experiences?", "What is/are your goal/s this 2021 as an Artist?", at iba pa.

I-follow ang PabalatPH upang makakuha ng updates para rito.

---

RomancePH

Ang BINGO BASH ay ang regalo ng RomancePH ngayong bagong taon. Handog ang anim (6) na eksklusibo at nakae-excite na BINGO cards para sa parehong manunulat at mambabasa, umaasa ang profile makikilahok at mag-e-enjoy ang mga followers nito. Ang panibagong initiative na ito ay makikita sa profile sa unang bahagi ng Enero.

Hindi matatapos ang Enero nang walang wrting contest ang RomancePH. Sa huling bahagi ng Enero, aming bubuksan ang isang panibagong contest. Ang New Year, New Sparks. Kung na-enjoy ninyo ang mga naunang contest ng RomancePH tuwing bagong taon, ngayong 2021, bibigyan namin kayo ng mas malawak na kalaayan para ipamalas ang inyong talento. At ang lahat ng ito ay magsisimula sa limang (5) importanteng salita.

I-follow ang RomancePH upang makakuha ng updates para rito.

---

WattpadContests

Naghahanap ka ba ng contest na maaari mong salihan ngunit hindi ka sigurado kung saan makahahanap? Sagot na ito ng WattpadContests! Ito ay isang hub ng iba't ibang mga paligsahang kasalukuyang isinasagawa sa mga ambassador managed profiles. Mamili ng genre mula sa aming profile books at silipin kung ano ang mga paligsahang maaaring magbigay inspirasyon sa inyong susunod na kuwento.

 Mamili ng genre mula sa aming profile books at silipin kung ano ang mga paligsahang maaaring magbigay inspirasyon sa inyong susunod na kuwento

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---

At dito na nagtatapos ang aming unang isyu. Umaasa kaming nag-enjoy kayo sa pagbabasa nito! Huwag kalimutang i-add ang newsletter na ito sa inyong reading list para makakuha agad ng mga updates sa mga susunod na isyu!

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now