July 2021 (i) Panayam kay ZenRoxen_Boy

44 6 0
                                    

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat? 

Since childhood, mahilig na talaga akong mag-imagine ng mga story scenario at characters sa utak ko tapos dino-drawing ko sila sa papel. Wala nga akong ginawa noon kung hindi mag-drawing nang mag-drawing sa likod ng notebook imbes na makinig sa discussion sa school o kaya mag-lecture. Kaya sa sobrang dalas kong mag-drawing, nauubos 'yong leaves ng mga notebook kaya wala nang space para makapagsulat pa ako ng lecture. Bumibili rin ako ng separate notebooks noon para doon ako mag-drawing na madalas—kahit wala pang dalawang araw, nauubos na rin 'yong leaves. 

Noong second year high school din, dahil nakaramdam ako ng "inggit" sa classmate kong nagsusulat ng novel sa notebook niya, bumili rin ako ng notebook para doon magsulat ng sarili kong story. Pero hindi ko pa man natatapos noon ang chapter one ng sinusulat ko... sinukuan ko na. Kaya ang ending pinang-drawing-an ko na lang 'yong binili kong notebook at hindi na ginalaw 'yong kuwento ko. Na-realize ko siguro that time na mas maganda pang i-drawing 'yong mga nai-imagine ko kaysa i-put into words. 

Curiosity sa buhay ang nagtulak sa aking magsulat. Marami kasi akong katanungan na gustong masagot kaya ako mismo ang gumagawa ng efforts para sagutin ang mga ito. Talagang malikot din 'yong isip ko na palagi bang may ibinubulong sa akin na kung minsan hindi na ako pinatutulog ng mga thought kong ito.


2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito? 

Through HaveYouSeenThisGirL's works. Mas nauna akong naging fan ng published book version ng "Diary ng Panget" noong 2013 kaysa maging Wattpad reader, as in Wattpad reader talaga. Mga kuwento niya rin 'yong nag-engage sa akin na magbasa ng mga novel. Then updated din ako sa FB page niya noon at lagi niyang name-mention 'yong Wattpad kaya na-curious ako. 

Pansin ko rin kasi noon na 'yong mga pina-publish na libro ay mga sumikat at galing sa Wattpad. And inaamin ko rin... parang naging way 'yon para magbigay ng drive sa akin na gusto ko ring makilala someday. So, doon din ako nag-start na magsulat ng mga kuwento at kasabay noon, umaasa at nagbabaka-sakali rin ako na sumikat sa Wattpad at maisalibro ang kuwentong sinusulat ko.


3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

Sa Fantasy genre, I really admire Rick Riordan. Fascinated kasi ako sa Greek Mythology kaya natutuwa rin ako kung paano in-incorporate ni Uncle Rick 'yon sa modern setting through "Percy Jackson and the Olympian" series. Gusto ko rin kung paano niya binigyan ng proper representation ang mga taong may learning and behavioral disabilities sa mga novel niya—which is nakaka-proud. Iba 'yong feeling na makita mo 'yong part ng sarili mo sa mga nababasa mo. Pinakikita rin na despite the limitations na mayroon ang mga tulad namin, wala pa ring imposible at lahat ng pangarap mo ay kaya mong maabot basta magtiwala ka lang sa 'yong sarili. Kaya na-inspire akong makapagsulat (someday) ng isang Fantasy novel na this time, tungkol naman sa Filipino Mythology.

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now