June 2021 (i) Meet the Community

135 9 0
                                    

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam sina frozen_delights, cleffhanger at ivojovi.

---

Si Calixta Monroe o frozen_delights ay ang manunulat sa likod ng "The Heiress and the Pauper" at "The Billionaire's Accidental Wife". Nagsusulat siya ng mga Romance Fiction na kadalasang may tema ng "naughtiness" o nasa kategorya ng new adult fiction. Ayaw niya ng mga tragic stories o masyadong mabigat sa dibdib na istorya kaya ang mga isinusulat niya ay palaging may happy ending at may kaunting katatawanan. Para sa kanya ay masyado ng masalimuot ang kalakaran sa tunay na buhay kaya naman lahat ng karakter na binubuo niya ay gusto niyang magkaroon ng masayang wakas. Dahil naniniwala siyang lahat tayo ay deserve ang isang happily-ever-after.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni frozen_delights.<<


Taong 2015 unang sumali si cleffhanger sa Wattpad at pormal na nakalathala ng kwento noong 2019. Nakapaglimbag siya ng libro ngayon lamang 2021 sa ilalim ng Ukiyoto Publishing. Kapag naiiwang mag-isa, kaharap ang kalikasan, nakabubuo siya ng prosa. Kung hindi nagsusulat, nagbabasa, o di kaya'y nag-aaral, kumukuha siya ng larawan ng mga ulap. Ang hindi alam ng karamihan, talento niya rin ang kantiin ang kapatid niyang matitigas ang ulo, makabasag ng babasaging baso, at sumayaw sa kaniyang isip.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni cleffhanger.<<


Si Jovi o ivojovi sa Wattpad ay isang Senior Ambassador at isa na ring Wattpad Star. Naisulat niya ang The Other CEO noong 2014 at nanalo ito ng isang Watty award - People's Choice. Kapag di siya nagsusulat, isa siyang full-time homebaker na gumagawa ng masasarap na customized cakes and pastries para sa kanyang mga kliyente.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni ivojovi.<<

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now