February 2021 (i) Meet the Community

128 6 0
                                    

Sa isyung ito, aming kinapanayam sina VChesterG, watashiwarei at Imcrazyyouknow.

Sa dulo ng kabanatang ito, ifi-feature rin namin ang RomancePH!

---

Si VChesterG ay isang Wattpad Star at manunulat na parte ng Wattpad Paid Stories Program. Siya ay nanalo nang dalawang sunod na taon sa Wattys para sa mga kuwentong Who Killed Agatha? at The Last Quarantine. Kamakailan lamang, pumirma siya ng kontrata sa kanyang pangarap na publishing company. Sa kabilang banda, siya ay isang manunulat na itinuturing nang paghinga ang pagsusulat. Isang manunulat na nagsusulat para mag-enjoy at hindi para magpasikat. Manunulat na lumilikha ng mga kwentong magsisilbing gabay sa mga readers patungo sa pinto ng adulthood.

>>I-click upang mabasa ang interview ni VChesterG.<<


Bukod sa pagiging manunulat, si watashiwarei ay isa ring masugid na mambabasa sa Wattpad. Hilig n'ya ang angsty-romance, slice of life at heavy drama na kadalasang genre ng kaniyang mga akda. Ginagamit din n'ya ang platform na ito upang makapagbigay ng kaalaman at kamalayan tungkol sa mental na kalusgugan ng tao at gawin ang misyong basagin ang stigma nito.

>>I-click upang mabasa ang interview ni watashiwarei.<<


Si Imcrazyyouknow ay nagsusulat na ng mga maikling kuwento sa platform simula 2013. Nagsimula siyang magsulat ng mga nobela sa parehong taon at nakatapos na siya ng higit sa 60 mga nobela sa ngayon. Siya rin ay bahagi ng Wattpad Ambassadors Program mula 2018 bilang isang Senior Content Ambassador. Ang kanyang unang libro ay nailathala noong Hulyo 2018 at sa ngayon ay mayroon siyang apat na nailathalang libro mula sa dalawang publishers dito sa Pilipinas. Napanalunan niya ang kanyang kauna-unahang Wattys award sa nagdaang Watty Awards 2020 para sa kanyang paranormal na kuwentong pinamagatang The 19th Century Vampire.

>>I-click upang mabasa ang interview ni Imcrazyyouknow.<<


Profile Spotlight: RomancePH

Sa buwan ng Pebrero--na buwan din ng pag-ibig--malugod na ipinakikilala ng Newsletter team ang RomancePH para sa ating profile spotlight

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa buwan ng Pebrero--na buwan din ng pag-ibig--malugod na ipinakikilala ng Newsletter team ang RomancePH para sa ating profile spotlight. Layunin ng RomancePH na bumuo ng isang komunidad ng mga Wattpadders na mahilig sa paglukso ng tibok ng puso, at magbigay ng anumang tulong upang mapaunlad ang genre na ito. Ano pang hinihintay ninyo? Si The One ba? I-follow na kami at simulan na ang ating love story.

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now