October 2021 (iv) News From Around Wattpad

51 2 0
                                    

Ngayong buwan ng Oktubre, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

Few more months to go and 2021 will be over, Wattpadders! 

For our Write-a-thon Challenge this month with the theme "Cheers, My October!", what will you do in an overcrowded drinking session/concert after this pandemic?Will you mourn for a loved one? Will you find a new friend, meet up with an old friend, find a new chance to love again, or will you simply live your life to the fullest? 

In 800-1000 words, create a short story based on what was discussed above. Remember, each entry will be evaluated based on content, creativity and grammar. For the winners, you will receive winner certificates. And for all participants, you will have a statement of participation!

---

WattpadFanFicPH

Say the name? SEVENTEEN! 

Yes, mga ka-FanFics! Ngayong buwan ng Oktubre ang aming featured KPOP idol group ay walang iba kun'di ang SEVENTEEN! 

Muli, kami ay magbibigay ng samu't saring activities na siyang magpapa-excite at magpapakilig sa inyo. Anu-ano mga ito? ABANGAN na lamang! *wink*

At nais din naming ipaalala ang aming collaboration contest na "Mahalima Hanggang Sa Huli" kasama ang RomancePH na siyang deadline ay ngayong ika-13 na ng Oktubre, 2021. Kaya ano pa hinihintay n'yo? Sali na mga, ka-FanFics! Para sa mga karagdagang detalye ukol rito, i-follow lamang ang aming profile na WattpadFanFicPH.

---

WattpadRomancePH

Buwan na naman ng katatakutan, at hindi magpapahuli ang WattpadRomancePH dahil ngayong Oktubre magbabalik ang Lagim ng Unang Pagsinta! 

Subukin ang talento at magsulat ng kuwento ng pag-ibig tungkol sa nakasisindak na mga elemento. Lahat ng 'yan ay maaaring abangan ngayong buwan kaya't i-follow na ang WattpadRomancePH para manatiling updated.

---

#WattpadOnKumu

Samahan ang inyong mga paboritong Wattpad writers at ambassadors tuwing alas nuebe ng gabi sa Watt Now?, ang daily talk show sa Kumu kung saan pag-uusapan natin ang tungkol sa pagsusulat at tungkol sa Wattpad. I-download lamang ang Kumu app at i-follow at WattpadPH profile para maging updated sa mga ganap!

Maaari din kayong magpasa ng mga love problems at love stories sa wattpadph.carrd.co at ang mga mapipiling kuwento ay babasahin nang live sa show kung saan magbibigay ng mga payo ang ilang sa ating mga paboritong manunulat.

Abangan din ang kapana-panabik na ganap sa ika-31 ng Oktubre! Siguradong magugustuhan ninyo ito!

Muli, i-follow ang WattpadPH account sa Kumu at manood tuwing alas nuebe ng gabi.

See you, Wattpadders!

---

At dito na nagtatapos ang October issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan!

Happy Wattpadding!

Community Newsletter (2021)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα