December 2021 (i) Panayam kay ar_verayo

64 5 4
                                    

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang kuwento sa likod ng iyong unique na username? 

"A.R. Verayo" was made as an alter ego noong highschool ako. Uso kasi noon na magkaroon ng second account na siyang mistulang "twitter" kung saan dump lang ng kung ano-anong ganap sa buhay. 

A means Agatha. Galing sa Stay Awake Agatha na talagang iniyakan ko noon hahahaha. R means Rainee. Dahil mahal na mahal ko po si Ate Rayne a.k.a Pilosopotasya. Verayo just randomly came to my mind tapos naisip ko... ang ganda pakinggan.Hanggang ngayon gamit ko pa rin siya, mostly pangwattpad na pero nandon pa rin yung vulnerability sa pangalan na 'to, kasi mga sobrang close ko lang ang nakakaalam nito at ang pinaka nakakakilala sa'kin. 


2. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?

Grade 7 ako noon, batang giyang na giyang sa Anime at Ebook. Hindi ko talaga hilig magsulat dati kasi iniisip ko sobrang hassle niya tapos hindi pa ako magaling sa grammar. Sakit sa ulo. Pero alam mo 'yon? Pag nagbabasa ka kasi, lalo na ng gawa ng kapwa mong Pilipino, mapapatanong ka sa sarili mo... bakit hindi? Hanggang sa naging, "gusto ko rin!" At charan! Sumubok ako kahit gaya-gaya lang talaga ng plot at kunwaring may originality sa mga dialogue. But hey, we all start somewhere, right? 


3. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito? 

Hahaha noong Grade 7 ulit! Natatandaan ko pa nga gaano ako natuwa kasi hindi na ako manghihingi ng Ebook sa kaibigan ko dahil may Wattpad naman na hahaha. And as a part of exploration ko, nagsimula akong magpublish ng mga gawa ko, na dinelete ko rin kasi jeje hahaha. Pero I must admit na sa tagal ko sa Watty, nitong Senior High ako mas naging confident and proud sa sinusulat ko. That's when I saw Wattpad as a platform I can freely present the world as I see it. Ganorn! 


4. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

Sina Ate Peach (peachxvision) at Ate Rayne (pilosopotasya) talaga. Bukod kasi sa pagiging OG, ang lilikot ng utak nila e. Kitang-kita 'yon Gakuwesaribig at 23:11 like, saan niyo po hinuhugot ang mga 'to? Patambay naman po sa utak niyo minsan hahahaha. Dagdag mo pa yung paraan ng pagstory tell nila, damang dama talaga bawat salita parang nanonood ka ng sine yung vibes. Kaya naman tumatatak talaga at hindi nakakasawa balikan. 


5. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? 

Matik, Twentitri-eleben! (23:11) Nung panahon kasi na isinulat 'to wala akong kaide-ideya ano ang epistolary, kasi 'di ba usually nakadepende kung anong gagamiting POV ng manunulat? Pero ito, sobrang bago yet... it delivers. Yung malokong personality ni Miko at ang iron wall na tinatag ni Jhing. Simpleng premise pero naisabuhay e. Sa kwento talagang 'to, pakiramdam ko somewhere namumuhay silang dalawa at patuloy ang facepalm ni Jhing sa mga banat ni Miko. 


6. Ano ang hilig mong gawin kapag hindi ka nagsusulat? 

Ok... oras na para maging honest HAHAHA. Dahil nga nagsimula sa panonood at pagbabasa ang hilig ko sa pagsulat. Mas ginagawa ko ang mga 'yon keysa sa paggawa ng sarili kong kwento tapos, kapag nagsawa na ako at may naisip na magandang ikot ng istorya, tsaka lang ako magsusulat. Pero sa ngayon, nasa punto na ako ng buhay ko na gusto ko, ako naman ang magbabahagi sa mundo. Kaya naman, paunti-unti, nagd-draft na ako o kaya naman tumatambay sa Pinterest para gumawa ng mood board. Though 'di pa rin mawala sa'kin na manood o magbasa kasi kapag hindi ko siya nagagawa parang nanghihina ako hahaha. 


7. Matunog ang iyong pangalan bilang isa sa manunulat na halos walang palya sa pagsali sa mga pa-writing contest ng RomancePH, maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong dahilan ng pagsali rito? 

Clout chasing lang poooh, charot! Nagsimula talaga akong sumali dahil sa Guilty Reads. It's a writing community kaya naman nagkayayaan na sumali noong nailapag ito sa channel namin sa Discord. Ang dami naming sumali sa Fire Ladies prompt noon at sobrang nakakatuwang basahin bawat entry ng kakilala mo kasi, in that way, mas nakikilala mo sila sa paraan nang paghabi nila ng mga salita. Hanggang sa ayun, naging habit ko na rin magcheck sa RomancePh kung mayroon bang bagong prompt na pwedeng salihan kasi sobrang nag-enjoy ako at nakakapag-explore sa pagsali! slight_smile Tamang bonding din sa'min 'to ng mga kaibigan ko sa community kaya asahan niyo na makikita niyo pa ako sa mga susunod na prompts hihi. 


8. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na makipag-collab sa ibang manunulat, lokal man o international / sikat man o hindi, sino ito at bakit? 

Syempre, ang aking mga bebe—sina Eu, Endee, Adi at Yassie! Pati na rin ang mga kagrupo ko sa GR, kaway team palay!! Sila kasi talaga ang dahilan sa pagbabalik loob ko sa Wattpad kaya beke nemen guys hihi. Tapos si Lee Yone, who created Surviving Romance, Manhwa author siya at super ganda ng art style niya. Dagdag mo pa na yung mga sinusulat niya are like a fresh breathe in fiction! Biruin mo naisip niya, paano kung ma-isekai ka in a romance book but it suddenly changes its genre? (Yie magbabasa na yan ng Surviving Romance!) 

9. Saan mo hinuhugot ang inpirasyon sa bawat kuwentong isinusulat mo? 

Sa mismong buhay ng mga tao, kung paano nila nararansan ito at patuloy na sinusubukang alamin ang halaga nito. 

10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat? 

As someone na bago lang din, ang tangi ko lang na masasabi ay 'wag matakot. See writing as a space where you can be yourself, not a chore that you need to finish para lang ma-achieve mo yung goals mo. Kapag na alis na kasi yung pressure na 'yon, hindi ka na mag-aalinlangan o kaya naman mabibigatan. Kasi alam mo na nagsusulat ka para sa sarili mo.

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now