June 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips

90 12 0
                                    

Narito na naman ang ating writing tips para sa buwang ito! Para sa buwan ng Hunyo, pag-usapan natin ang ilan sa mga pantukoy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Narito na naman ang ating writing tips para sa buwang ito! Para sa buwan ng Hunyo, pag-usapan natin ang ilan sa mga pantukoy.

Madalas, kapag tayo ay nagsusulat, maaari tayong malito sa paggamit ng mga pantukoy gaya ng sina, nina, kay at kina. May mga pagkakataong naipapalit natin ang mga ito sa sila, nila o kila. Ngunit narito ang mga pagkakaiba ng mga ito.

SILA, NILA

Ang sila at nila ay hindi mga pantukoy. Ang mga salitang ito ay panghalip panao at hindi sinusundan ng kahit na anong pangngalan. 

Halimbawa: 

Sila ang may-ari ng sasakyang iyon.

Ang gugwapo naman nila!

SINA, NINA

Samantala, ang sina at nina ay mga pantukoy na maramihan. Ang mga salitang ito ay sinusundan ng pangalan ng tao. 

Halimbawa:

Sina Ross at Marites ang naiwang magbabantay sa ospital.

Nalaman nina Joy at Marie na iisa pala ang kanilang ina.

KAY, KINA

Ang kay at kina ay mga uri naman ng pantukoy na pantangi. Ginagamit ang kay kapag isahan ang pangngalan (singular) at kina kapag maramihan (plural).

Mangyaring pakatandaan na walang salitang kila. Ang tamang salitang dapat gamitin ay kina.

Halimbawa:

Ang bulaklak ay para kay Mayka.

Kina Mang Juan at Mang Abel ang mga nasirang bangka.


At narito rin ang ilan sa mga pagkakamali natin sa paggamit ng ilang mga salita.

diba - 'di ba/di ba

nalang - na lang

nanaman - na naman

narin - na rin

parin - pa rin


Ngunit, sa kaso ng palang/pa lang, narito ang tamang paggamit.

palang - mula sa salitang pala (hindi inaasahan)

Halimbawa: Mayroon palang palayan sa likod ng kanilang bahay.

Ang sarap palang kumain ng halo-halo kapag tag-init.

pa lang - lamang, tangi

Halimbawa: Ako pa lang ang tao sa opisina.

Siya pa lang ang minahal ko nang ganito.

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now