August 2021 (i) Meet the Community

136 3 0
                                    

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam sina blackpearled, alphabelat at zhaniamarie_07.

---

Musika, sining, at pakikipagsapalaran sa buhay, ito ang ilan sa mga inspirasyon ni blackpearled na nagsimulang magbahagi ng kanyang mga akda sa Wattpad noong 2014. To Break an Affair ang unang kuwento niyang nailathala sa ilalim ng Pop Fiction noong 2019, at ang self-published na The Day He Became Ruthless ay patuloy pa ring tinatangkilik ng marami. Kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan ngayon ang on-going na serye niyang Obsidian Issues Series.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni blackpearled.<<


Nakaugalian ng gawing inspirasyon ni Mikhaella Kanashi, o mas kilala bilang alphabelat, ang pagsusulat ng mga slice-of-life short stories. "Nangyari 'yun sa akin, so why not share?" ang unang pumapasok sa isip niya sa tuwing kumakatok ang kasipagan para magsulat. Dahil isang Pisces at INFJ si Mikhaella, malaki ang pagbibigay importansya niya sa emosyong ibinubuhos sa bawat letra ng kanyang salita. Madalas man siyang AFK sa pagsusulat, alam niya sa sariling hindi niya hahayaang magwagi ang katamaran at pigilan siyang ibahagi ang mga weird adventures niya sa kanyang mga mambabasa. 

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni alphabelat.<<


Si zhaniamarie_07 ay isang senior ambassador sa FanFicPH Profile sa Engagement Team. Tatlong taon na siyang Wattpad ambassador at kabilang sa Wattpad community simula January 2016. Ang mga kaibigan niya from Wattpad ay tinatawag siyang Sanya, at wala siyang tapos na istorya pero mayroon ang mga ongoing and on-hold sa account niya. Ang real name niya ay Saniata C. Oriña, 24 taong gulang. Isa siyang public school teacher sa Bautista, Pangasinan, at naniniwala siya na: "In order to succeed we must first believe that we can" kasi kailangan mayroong pananampalataya sa sarili nating kakayahan at pananampalataya sa Diyos na lahat ng ating pagsisikap ay magbibigay ng biyaya sa atin.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni zhaniamarie_07.<<

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now