May 2021 (iv) News From Around Wattpad

118 7 1
                                    

Ngayong buwan ng Mayo, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad sa Wattpad!

Pero bago ang lahat, narito ang isang munting pahayag mula sa AmbassadorsPH:

Mabuhay Wattpaders! 

Good news! Ikinagagalak naming ibalita sa inyo na verified accounts na ang FanFicPH, PabalatPH at RomancePH dito sa Wattpad. Kaya mula ngayon, ang mga accounts na ito ay napalitan na ang mga usernames. Narito na ang mga panibagong usernames: 

WattpadFanFicPH

WattpadPabalatPH

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WattpadPabalatPH

WattpadRomancePH

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WattpadRomancePH

Mula sa tatlong bagong verified accounts, ipinaaabot nila ang taos-pusong pasasalamat sa walang humpay ninyong pagsuporta sa mga profiles

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mula sa tatlong bagong verified accounts, ipinaaabot nila ang taos-pusong pasasalamat sa walang humpay ninyong pagsuporta sa mga profiles. Asahan ninyo na mas dadami pa ang mga kuwento, activities, contests at collaborations na mangyayari sa mga profiles na ito. 

Muli, maraming salamat!

---

AmbassadorsPH

Para sa mga mahal nating INA, pumunta tayo sa ating susunod na tema para sa buwan ng Mayo na "My Wonder Mom". 

Nasaksihan mismo natin na iba ang pakiramdam kapag nararamdaman mo ang yakap ng isang ina. Ang alaga ng isang ina. Ang pag-alala ng isang ina. Walang mas hihigit pa sa aruga ng isang ina sa atin. 

Paano mo ipagsisigawan sa lahat na ang iyong nanay ay isang 'Wonder Mom'? Sa loob ng 1000 – 1500 na salita, bigyan mo ng laban kung gaano ka ka-proud sa iyong nanay. 

Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. 

Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!

Para sa iba pang impormasyon, i-follow ang AmbassadorsPH.

---

WattpadFanFicPH

So I'ma light it up like dynamite~ 

Yes! Inihahandog ng FanFicPH ang isang pasabog! Sa buong buwan ng Mayo, aming i-fi-feature ang isa sa mga pinakasikat na KPOP boy group... walang iba kun'di ang, BTS! Tiyak ma-eengganyo kayong lumahok sa mga inihanda naming prompts at iba pang activities tulad ng BTS Photo Story at Ultimate BTS Quiz. 

Bukod dito, patuloy pa rin ang aming pagtanggap ng fan mails para sa aming activity na "Send Us Your Fan Mail" sapagkat nais naming bigyan ng pagkakataon ang iba pang fans na makapagsulat ng liham para sa kanilang mga iniidolo. 

At kami'y magdaragdag din ng mga BTS fanfic stories sa aming Reading List. 

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang profile ng WattpadFanFicPH.

---

WattpadRomancePH

Flowers are blooming. Petals are falling. 

Ihanda na ang inyong mga puso dahil sa buwan ng Mayo, sisibol ang mga bulaklak para sa kakaibang klase ng pagmamahalan. 

Handog ng RomancePH sa buwan na ito ang isang contest na kailangang mamili ng bulaklak upang umamin. Sa loob ng 1000-2500 na salita, hahamunin namin kayong magsulat ng kuwento base sa tema at prompts tungkol sa love, choices at flowers. Ihanda na ang inyong mga panulat at subaybayan ang announcement sa ! 

Handa na ba kayong pumili para sa inyong minamahal?

---

At dito na nagtatapos ang isyu para sa buwang ito. Umaasa kaming nag-enjoy kayo sa pagbabasa nito! Huwag kalimutang i-add ang newsletter na ito sa inyong reading list para makakuha agad ng mga updates sa mga susunod na isyu!

Happy Wattpading!

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now