December 2021 (i) Panayam kay pilosopotasya

69 4 0
                                    

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ilang taon ka nang Wattpad Staff at ano ang posisyon mo? 

Base sa linkedin xD, 1 year and 3 months na raw ako. Pero hindi ako nagsimula bilang Wattpad Staff. Naging cover designer muna ako ng paid stories, then nag-edit ng paid stories while designing their covers, tsaka ako naging Wattpad Staff talaga -- which is called Creator / Content Development Associate. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Wattpad Staff? 

I handle and manage the Filipino Stars. So lahat ng may kinalaman sa Stars, ako yong nasa gitna no'n most of the time. 


3. Paano mo napagsasabay ang pagiging kabilang sa Wattpad Staff at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Umiiyak ng dugo haha charot. Nung umpisa, wala akong buhay kundi ang Wattpad kasi ito talaga yung gusto ko ih. Then I realized na itong ginagawa ko, forever siyang gagawin. Ang backlogs, mangyayari at mangyayari ito. So kapag hindi super duper needed at walang malalang deadline, hindi ko gagawin ng weekends. 


4. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging Wattpad Staff? 

Be professional. Sobrang casual kasi ako haha so kailangan kong lagyan ng line yong pagiging casual sa pagiging staff. Hindi ko dapat ginagawa ang mga extra mile for others kasi hindi ko naman yon trabaho. Tsaka wag masyadong magmadali. Kasi some things take time. 


5. Ano ang pinakamasayang parte sa pagiging Wattpad Staff? 

The feedbacks from Stars! 

Example: 

Noong sa Canva pa ako gumagawa ng newsletter (at di pa ako pinilit na mag mailchimp haha), sobrang kinilig ako sa nabasa kong tweet ng star. Badtrip daw siya sa layf that time then pagbukas niya ng newsletter, nawala yung pagkabadtrip niya. Na-uplift daw yong mood niya. Hindi lang to isang beses at isang star. 

Nagpo-post ako ng mga writing tips sa Community Discord ng Stars and some will thank me kasi natututo sila sa technicalities. May isang author na laging nagme-message sa akin kapag may tanong siya about technicalities at ankyut lang nito kasi talagang nagtiwala na siya sa akin? Huhu. 

Nung may kumu. Medyo namatay ako roon pero nabubuhay ako sa feedback ng authors na isa daw yon sa best experience nila, na sobrang enjoy sila, at uulit pa sila. Natuwa rin ako sa feedback ng hosts, yong nagkaroon talaga ng bonding. Ankyut non. 

Lastly for now, nag-setup kasi ako ng 1:1 sa mga authors who I feel like they need someone to talk to based on the survey I sent. Pwera sa kilig don sa sinabi ng isa na first time lang niya makakuha ng response after answering a survey, kilig din ako sa mga nakausap ko at mula sa down moment e na-uplift sila after? HUHU. Small things, pero nakaka-heart heart talaga. 


6. Ano ang pinakamahirap na parte? 

Kapag hindi ko sila natutulungan sa concerns nila kasi hindi ako capable to fix it. Isa sa mga masasakit sa puso yong illegal copy issues. </3 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad? 

Very chill! Pwedeng magkamali at tutulungan ka nila kapag hindi mo alam mga bagay-bagay. Flexible din yong oras. :D 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging kabilang sa Wattpad Staff bilang isang manunulat o mambabasá? 

Mas marami akong nakilalang authors. Noong una, hindi ko sure paano ko makakabisado ang Stars kasi nasa 140+ sila nung unang dating ko ata. Like dude, paano ko kakabisaduhin yan haha. Ngayon, nasa 160+ na sila at hindi ko pa rin naman kabisado pero mas nagiging familiar ako pati sa way ng storytelling nila. Natutulungan din ako sa communication skills. Sobra. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging kabilang sa Wattpad Staff? 

Nung interview ko bago ako maging staff, sinabihan ako director that time ng "i can feel that you're really passionate!" :D 


10. Bilang kabilang sa Wattpad Staff, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa inyong ginagawa para sa buong community? 

Kapag may kritisismo, may need ayusin. So dapat open to discussion at pag-aayos. Ang nagiging mahirap is kapag hindi open sa discussion yong other side. Kapag ganito, time na lang talaga ang maghi-heal. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa Wattpad at sa komunidad natin? 

Thank you, Wattpad, for changing lives -- not just mine -- but for others as well. And sa community -- if you want something to change for the better, sarili muna, then ripple effect yan after. 

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now