November 2021 (i) Panayam kay Veilofthedark

93 13 5
                                    

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?

Nagsimula akong magsulat ng mga kuwento noong nasa elementary school pa ako. Usually, mga one shot stories lang ang isinusulat ko at sa notebook ko lang isinusulat. Ang mga readers ko lang noon ay mga kaklase ko. Marami kasing pocketbooks sa bahay namin kaya lumaki akong palabasa. I think, ayun ang nag-inspire sa aking magsulat, though, more on mystery ang genre ko. 


2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?

Reader na ako ng Wattpad around 2013 pa. I discovered it through my classmates, naging talk of the town siya that time. It was only around 2020 nang mapagdesisyunan kong magsulat formally sa Wattpad para mabasa ng mas marami conveniently ang mga likha ko. 


3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

Harper Lee. Simula nang nabasa ko ang To Kill A Mockingbird, parang naging turning point 'yon ng buhay ko at sobrang nagbago ang views ko tungkol sa mga bagay-bagay. 


4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit? 

Jamille Fumah and serialsleeper! Dumating pa sa point na bibili kami ng kaibigan ko ng horror/mystery-thriller books nila noong nasa Junior High School pa ako tapos magpapalitan kami. 


5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito? 

Nagsimula akong magsulat sa Wattpad formally last 2020. So far, limang nobela na ang naisusulat ko at isang compilation ng one shot stories. Nagsusulat ako ng thriller, tragic, and science fiction stories. 


6. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat? 

Sulat lang nang sulat. Hindi magiging ganap na nobela ang likha mo kung hindi mo sisimulan. 'Wag ka ring ma-pressure sa pacing ng iba. Success doesn't happen overnight so always improve yourself and learn from your experience. Para kapag dumating ang panahon na ikaw na ang nakikilala, you know you deserve it because you worked hard for it. 


7. Meron ka bang schedule pagdating sa pagsusulat ng iyong kuwento? Maaari bang ibahagi mo ito? 

Sa totoo lang, wala akong schedule. Sinubukan ko noon pero hindi ko siya masunod. Minsan kasi nararamdaman ko na kapag nag-set ako ng specific date, pakiramdam ko obligado ako. Kaya minsan, tinatamad din ako. Kaya nagsusulat lang ako kapag physically and emotionally ready. It takes me five to seven hours to finish one chapter kasi around 4,000 to 7,000 parati ang word length ko kaya nagsusulat ako kapag ready ako. para ma-express ko 'yong scenes exactly kung paano ko siya na-imagine. 


8. Ano ang proseso mo sa pagsusulat ng plot at paggawa ng title ng iyong mga kuwento? 

Sa pagsusulat ng plot, inuuna ko parati 'yong possible twist(s), conflict and ending. The rest will follow during my writing process. Ang title naman, usually, ginagamit ko ang isang catchy na phrase ng isang character sa story ko. Kaya bukod sa mga ganap sa story, isa ring inaabangan ng mga readers ko ay kung sino ang magsasabi ng title sa mga characters ko. 


9. Ano ang para sa iyo ay ang iyong personal na writing quirk? 

Madali kong na-e-express ang mga sad and tragic scenes kapag nakikinig ako ng mga EDM songs. Mas maraming masasakit na dialogues akong naisusulat kapag EDM ang pinakikinggan ko instead na ballad songs. 


10. May mga panahon ba na may bago kang natututunan sa sarili mo habang ikaw ay nagsususat? Ano ang mga natutunan mo? 

Yes, mayroon. Dati kasi ay hindi ko kayang magsulat ng mahabang kuwento kaya ang comfort zone ko talaga ay short stories. Kaya nang sinubukan ko ang pagsulat ng nobela, I realized na kaya ko pala. Na noon, takot lang pala akong umalis sa comfort zone ko. 

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now