January 2021 (i) Meet the Community

432 20 0
                                    

Sa newsletter na ito, ang AmbassadorsPH Newsletter team ay mag-iinterview ng tatlong miyembro ng komunidad--isang Wattpad Star, isang undiscovered writer at isang Filipino Ambassador. Sa isyung ito, aming kinapanayam sina AkoSiIbarra, zyronzester at PrincessThirteen00.

Sa dulo ng kabanatang ito, ifi-feature rin namin ang FanFicPH!

---

Mula pa pagkabata, nahumaling na si AkoSiIbarra sa mystery stories kaya mga kuwento sa ilalim ng genre na ito ang isinusulat niya ngayon. Maliban sa fiction, nagsulat din siya ng journalistic articles mula elementary hanggang college (at nagtapos sa kursong AB Communication Arts). Sa kasalukuyan, mayroon na siyang sampung published books sa ilalim ng PSICOM Publishing, Inc.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni AkoSiIbarra.<<


Si zyronzester ay isang marubdob na mangingibig ni Kristo at isang manunulat ng pagkakaiba-iba. Mula sa kanyang malalim na tungkulin ang matinding pagkilos upang maging repleksyon ng kagandahan at kabanalan ng Diyos para sa mga taong hindi pa lubusang nagmamahal sa Kanya. Kung hindi nagsusulat ng nobela si Aaron ay nakikita niya ang sariling makagawa ng pelikulang Pilipino, magtanghal ng salita ng Diyos sa maraming tao, o kaya nama'y makapagsulat ng sistematikong teolohiyang aklat para sa kanyang mga kapatid sa pananampalataya.

>>I-click ito upang mabasa ang panayam kay zyronzester.<<


Si PrincessThirteen00 ay isang manunulat at mambabasa sa Wattpad simula Disyembre 2012. Siya ay naging Wattpad Ambassador noong August 2017 sa ilalim ng Content Team. Isa rin siyang Wattpad Star at manunulat sa ilalim ng Paid Stories Program. Siya ay naging Content Associate for Paid Stories nang lagpas sa isang taon. Kapag siya ay hindi nagsusulat, inilalaan niya ang kanyang oras sa pagkuha ng mga litrato at pagguhit.

>>I-click ito upang mabasa ang panayam kay PrincessThirteen00.<<


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Profile Spotlight: FanFicPH

Ang Newsletter team ay malugod na ipinakikilala ang FanFicPH para sa aming unang profile spotlight! Ang FanFicPH ay may layuning maghatid ng tunay na mga FanFic stories, makigulo sa iba't ibang mundo ng mga fandom, at makabasa ng mga kwentong susu...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang Newsletter team ay malugod na ipinakikilala ang FanFicPH para sa aming unang profile spotlight! Ang FanFicPH ay may layuning maghatid ng tunay na mga FanFic stories, makigulo sa iba't ibang mundo ng mga fandom, at makabasa ng mga kwentong susubaybayan natin katulad ng pagsubaybay natin sa ating mga kinapananabikang TV series (local man or international), idol group, at marami pang iba.


Community Newsletter (2021)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon