May 2021 (i) Panayam kay clumatic

66 5 0
                                    

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Dalawang taon at walong buwan na akong ambassador at bahagi ako ng makulit at maingay na Engagement Team. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Bilang isang Engagement Ambassador, marami kaming iba't ibang responsibilidad. Kasama rito ang pag-manage ng mga profiles, contests, atbp. Kung napapadaan kayo sa RomancePH, doon niyo ako puwedeng makita. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Nakita ko ang announcement na kailangan ng mga volunteers. Noong una, gusto ko lang subukan para maintindihan kung ano ang maaaring gawin ng isang ambassador. Madalas ko silang makita na sumasagot ng mga tanong at gusto kong malaman kung bakit nila ginagawa iyon. Pero nang makapasok ako sa team, nagbago ang pananaw ko. The Ambassador Program gave me the motivation to try out different things. 


4. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Chaotically organized talaga akong tao. Kumbaga, kahit magulo ang lugar ko, kumportable at kabisado ko ang pagiging magulo nito. Ganoon din ako sa daily activities ko. I do it whenever there's a burst of energy and motivation, pero dapat pasok sa deadline. Minsan, mahirap lalo na't isa akong senior, pero dahil mayroon akong task list na sinusundan, mas nagiging madali. 


5. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Respect, boundaries, and an open mind. Parte naman siguro ng pag-grow ng isang tao ang pagkakamali. Noon kasi, ignorante ako sa maraming bagay lalo na sa pagiging sensitibo at maaalam sa kultura ng iba't ibang tao. Sa programang ito, natutunan ko kung gaano ka-importante ang respeto. Kahit na may hindi kayo parehong opinyon o paniniwala, you should maintain respect. Natutunan ko rin na hindi maging sobrang sensitibo sa napakaraming bagay. I guess, it's safe to say that the Ambassador Program helped me in nurturing my values as a person. 


6. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

The work environment we have and the camaraderie are truly interesting in a good way. May mga taong silent workers, mayroon namang buzzing with energy. Pero overall, we all work together efficiently. Natutuwa ako na kahit malaki ang grupo namin at mula kami sa iba't ibang lugar, kaya naming intindihin ang isan't isa kasi iisa lang ang aming goal: to serve our community. 


7. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasa?

Sobrang na-improve ang skills ko sa pagiging writer at reader. Marami akong natutunan na rules at technicalities sa pagsusulat. Bukod dito, mas mabilis na rin ako magbasa (isang skill na talagang kapaki-pakinabang). 


8. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Sa halos tatlong taon kong pagiging ambassador, masyadong marami ang mga pagkakataon na kabilang sa listahan na ito. May malungkot, may masaya, may kakaiba. Pero ang isang bagay siguro na suwerteng palagi naming nararanasan ay ang makatanggap ng mga mensahe sa gaya naming mga Wattpaders na natutuwa sa mga proyekto namin. Nakakataba ng puso na nagugustuhan nila ang mga iyon. Not only it motivates us, but it fuels our fire to keep doing better. 


9. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

Tinatanggap ko ito nang may pag-unawa, lalo na kung may punto ito. Naniniwala ako na kahit anong gawin natin, palagi itong makakatanggap ng opinyon. May it be good or bad, one must take it with an open mind and a heart that's willing to improve. 


10. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Para sa lahat ng mga Ambassador sa team, I admire your work ethics and dedication. Hindi magiging makulay ang program kung hindi kayo kabilang. Para naman sa mga gustong mapabilang sa mga Ambassadors, may you always have the heart to volunteer and the aspiration to inspire.  

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now