August 2021 (i) Panayam kay alphabelat

62 4 2
                                    

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


1. Ano ang kuwento sa likod ng iyong unique na username? 

Nung moment kasi na nag-iisip ako ng username, 'yung mood ko noon is quite enraged dahil sa surname ko. AB kasi 'yung first two letters ng surname ko kaya kapag alphabetical order, ako 'yung unang natatawag at hindi talaga siya nakakatuwa. Ironically, ayun 'yung naging main foundation ng AlphaBelat. And instead of using 'beta' since sinimulan ko sa 'alpha', I turned it into 'belat' since I want my username to sound somewhat playful.


2. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat? 

14 years old ako nung nagsimula akong magsulat. Nagtry lang talaga akong magsulat kasi sa sobrang dami ko nang nabasang kwento, parang natutunan ko na rin kung paano 'yung flow ng mga scenarios. Hindi talaga ako devoted sa pagsusulat noon, more like curious lang. Hindi ko talaga naisip na writing can make me feel this free pala and when I finally did, I found myself unable separate from my pen and paper.


3. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito? 

Feeling ko fated talagang pumasok sa buhay ko 'yung Wattpad kasi kumpara sa iba na naimpluwensyahan o may nagsabi sa kanilang subukan nila, ako wala. It was just a random day of scrolling on Playstore until it happened that it appeared on my screen. Curiosity kicked in at ayun, I downloaded it. Dito ko naisipang magsulat for the sole reason na hindi ako kilala ng mga tao. No judgement, kumbaga. Although ngayon may mga nagbabasa na rin ng works ko na kakilala ako in real life and luckily, hindi na ako takot sa interpretation na mabubuo sa isip ng kahit na sinong makakabasa ng gawa ko.


4. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

After kong basahin 'yung Save the Date, naging favorite ko na agad si Miss Morgan Matson. 'Yung effect kasi sa akin ng novel niya na 'yun is long-term na kahit ngayon, alam ko pa rin 'yung feeling na 'yun. Gusto ko rin 'yung way of dealing with words and scenarios niya. She's a practical writer kasi pero 'yung inner pun and romance ay well-balanced pa rin. Hindi rin siya nagsstick up sa isang scenario lang for a certain part of a story kasi pinag-iisipan niyang mabuti 'yung kung ano 'yung magbabalance out sa pace ng story. Sobrang namangha ako sa kanya sa puntong 'yun. She taught me a lot not only as a reader but also as a writer.


5. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? 

Marami akong paboritong manunulat sa Wattpad pero unang pumasok sa isip ko si Miss Jhing Bautista. Iba kasi talaga 'yung dating sa akin ng mga salita niya. Parang ang tagal niya na akong kilala dahil gamit 'yung mga salita niya, nababasa niya ako. It's kind of weird but I really feel connected with her words. Kung sa mga kuwento naman, gustong-gusto ko 'yung mga gawa ni Miss peachxvision dahil ang galing niyang manggulat sa mga twist and turns ng scenarios. At isa pang nagustuhan ko ay 'yung slice of life genre siya mostly kaya I really feel connected with her stories.

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now