July 2021 (i) Meet the Community

69 3 0
                                    

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam sina Whroxie, ZenRoxen_Boy at areyaysii.

---

Si Whroxie ay kilala bilang isang nobelista na may matinding pagmamahal sa pagsusulat. Ilan sa mga akda niya ay nailathala na rin katulad ng Fatal Attraction Series. Siya ay maswerteng napasama sa mga unang manunulat na nabigyan ng oportunidad para mapabilang sa Paid Stories Program at kamakailan lang ay naging Wattpad star na siyang lalong nagbigay ng motibasyon sa kanya para husayan sa pagsusulat. Hilig niya ang pagsusulat ng mga kwentong may paglukso ng tibok ng puso na hinahaluan niya ng mga sexy scene--o mas kilala sa genre na Erotic-Romance. 

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Whroxie.<<


Si ZenRoxen_Boy ay isang patatas na laging pagala-gala sa malikot niyang kaisipan. Palagi niyang inaalmusal ang kuryosidad, ginagawang tanghalian ang mga katanungan sa buhay, at hapunan ang mga kumakalabit na ideya na ginagamit naman niya para makapagsulat ng mga kung ano'ng anik-anik. Naniniwala siya na kahit atakihin man ng katamaran ay hindi siya titigil sa pagsusulat.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni ZenRoxen_Boy.<<


Si Raice o mas kilala bilang areyaysii ay nagsimulang magsulat sa Wattpad noong 2010. Nakapaglathala na siya ng apat na libro sa ilalim ng Pop Fiction. Siya ay naging parte ng AmbassadorsPH team noong 2015 at sa kasalukuyan, siya na ang tumatayong Team Lead ng mga Filipino Ambassadors. Isa rin siyang Wattpad Star at mayroon siyang dalawang kuwento sa ilalim ng Paid Stories Program. Bukod pa rito, isa rin siyang Content Associate ng Paid Stories. Kung hindi siya nagbabasa o nagsusulat, nanonood siya ng mga Korean drama o kaya naman ay nagpapaka-fangirl sa kanyang paboritong K-pop group na Winner. 

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni areyaysii.<<

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now