October 2021 (i) Meet the Community

79 3 0
                                    

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam sina thexwhys, anjimnida at HueSee.

---

Si thexwhys ay isang manunulat sa Wattpad na nagsimula noong 2019. Siya ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Information Technology. Bukod sa pagsusulat, hilig din niya ang panonood ng Western Television Series, manood ng mga pelikulang maaksyon, at minsan ding nagbabasa ng mga libro sa Wattpad.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni thexwhys.<<


Isang masugid na mambabasa ng Wattpad si anjimnida bago ito sumubok na magsulat. Bilang manunulat, isa sa mga layunin niya ay ang makapagsulat ng mga kwento na makapagbibigay ng inspirasyon sa iba. Ginagamit niya rin ang pagsusulat upang ipahayag ang kanyang sarili, ang kanyang mga kaalaman o ideya, at maibahagi ang mga natutuhan n'ya sa buhay.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni anjimnida.<<


Si Yuxan o HueSee sa Wattpad ay isang Senior Ambassador sa ilalim ng Data Team. Isa siyang Filipino Nurse na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa gitna ng kaguluhan sa mundo ay nananatili siyang Wattpad Ambassador at mananatili pa rin, Insha'llah.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni HueSee.<<

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now