February 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips

103 6 0
                                    

Para sa buwang ito, ating aalamin ang pagkakaiba ng paggamit sa R at D

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Para sa buwang ito, ating aalamin ang pagkakaiba ng paggamit sa R at D. Isa sa madalas na pagkakamali sa pagsusulat ay ang maling paggamit sa mga ito.

Kailan nga ba ginagamit ang DAW o RAW? DIN o RIN? DITO o RITO? 

Kailan nga ba nagiging R ang D


*Kapag nagtatapos sa A, E, I, O, U at W, Y, ang sinusundang salita, ang D ay nagiging R.

Halimbawa: 

Babae raw ang anak ni Elsa. 

May nakawalang kabayo rito

Bukod sa baboy, may alagang kalabaw rin si Mang Erning. 


*Kung hindi nagtatapos sa A, E, I, O, U at W, Y, mananatili ang D. 

Halimbawa: 

Aalis daw nang maaga bukas. 

Nahulog din si Jessa mula sa kinauupuan niya. 

Kakain daw ng hapunan dito sina Mark at Elias. 


**Espesyal na kaso: Kapag ang salita ay nagtatapos sa RA, RE, RI, RO, RU, AT RAW, RAY, mananatili ang D imbis na R. 

Halimbawa: 

Parehong pari din ang nagbinyag sa kapatid niya. 

Nagpunta si Maru doon

Ilang araw daw nagmukmok si Denise dahil nag-break sila ni Ben.


Sanggunian:

Almario, V. S. (2014). KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.

---

Para sa buwan ng pag-ibig, kami ay magbabahagi ng isang simpleng proseso kung paano gumawa ng nakaakit na mga pabalat para sa mga Romance books

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Para sa buwan ng pag-ibig, kami ay magbabahagi ng isang simpleng proseso kung paano gumawa ng nakaakit na mga pabalat para sa mga Romance books. Sa prosesong ito, gagamitin natin ang Canva kung saan maaari na nating piliin ang tamang sukat para sa isang Wattpad cover. Tingna natin ang klase ng pabalat na sikat sa Romance genre ng Wattpad.

Community Newsletter (2021)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin