March 2021 (i) Panayam kay adthemediator

100 6 0
                                    

1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?

Nagsimula po akong magsulat ng kwento ever since grade 4 po ako. Random stories lang po especially lame fanfiction na ginawa ko mula sa mga anime na napapanood ko. Sarili ko lang po talaga ang nagtulak sa 'kin sa pagsusulat lalo't malakas ang hatak ng imagination ko lalo na noong bata pa 'ko. 


2. Ano ang pinaka-challenging na iyong kinaharap pagdating sa pagsusulat?

Dumating sa point na naiisip ko na wala namang patutunguhan ang pagsusulat ko. Lalo na kapag nararamdaman kong wala akong appreciation na natatanggap, reason kung bakit 'di ko rin na-a-appreciate ang sarili ko, doon po mas nagiging unmotivated ako. 


3. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito? 

Na-discover ko po ang Wattpad sa kaibigan ko dati. I created my very first account on 2014. 'Di ko pa noon alam gamitin 'yung platform kaya hindi ko siya masyadong nagamit. I decided na i-post ang stories ko roon dahil naiinggit din ako sa mga authors na inilalagay 'yung stories nila r'on which took me to the point na, "bakit 'di ko rin gawin?" 


4. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong proseso sa pagsusulat ng mga istorya? 

Siyempre 'di mawawala ang outline. Dapat i-organize ang exposition, climax and denouement para maayos ang storyline. After that, start organizing the profiles of your characters para malaman mo kung paano mo sila pagagalawin sa dimension, or paging distinct sila sa isa't isa. O sa mas madaling salita, magkaroon ng sariling buhay para 'di magmukhang puppet. 


5. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

Sa Wattpad, ilan sa mga hinahangaan ko sa pagsusulat ay sina pilosopotasya at Lena0209. Hindi lang sa dahil nagustuhan ko ang ilan sa mga akda nila, dahil na rin nagustuhan ko kung paano sila mag-share ng experiences and knowledge nila sa writing para makatulong sa ibang manunulat na ma-improve ang craft nila. 


6. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? 

Isa sa mga paborito kong manunulat sa Wattpad si pilosopotasya dahil nakahilera sa kaniya 'yung mga genre na usually ay isinusulat ko. Gusto ko rin kung paano siya magsulat--creative in a way na parang kinakausap ko lang ang mga tauhan n'ya sa kwento o parang ini-interview ko lang sila. Ilan sa mga paborito kong kwento sa Wattpad ay Love Songs for No One at 11/23 na isinulat din ni pilosopotasya at ang The F— Buddies ni Lena0209. Pareho lang na dahilan--para lang akong kinakausap ng mga tauhan nila at hinahayaan akong pasukin ang mga nangyari sa buhay nila.


7. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito? 

Isa sa paboritong naisulat ko na nobela ay ang The Art of Everything. Tungkol ito sa dalawang estranghero (ang isa'y prostitute, ang isa'y hidden artist) na nagkikita tuwing gabi upang pagsaluhan ang mga kwento ng isa't isa. Isang buwan ko 'tong isinulat at natapos: buong buwan ng March noong 2019. 


8. Ano o sino ang masasabi mong nag-impluwensiya talaga sa iyo pagdating sa pagsusulat?

Ang mga nag-impluwensya sa 'kin sa pagsusulat ay ang mga anime na napapanood ko noong bata ko. Pero mas pinag-aralan ko ang pagsusulat dahil sa mga nakilala kong tao noong 2018. 


9. Nabalitaan naming nanalo ka sa Wattys Awards noong 2018. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong naging karanasan sa nasabing patimpalak? 

Mahirap. walang katapusang pag-aalinlangan. Kung tutuusin, sobrang daming naging kalahok sa program na 'yon pero 'di ko naisip na makakukuha ako ng slot doon at sa change-makers category pa. 


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat? 

Isa lang ang maipapayo ko: magsulat lang nang magsulat. Matututo sa journey na 'yon. Maaaring may makilala kang tao na gagabay sa 'yo, maaari ding magkaroon ka ng karanasang magtuturo sa 'yo para ipagpatuloy pa ang ginagawa habang minamahal ito sa parehong pagkakataon.

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now