December 2021 (i) Panayam kay lostmortals

29 4 0
                                    

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?

Naaalala kong bata palang ako ay nagsusulat na ako ng mga 'cliché' magical scenes sa mga notebook, ngunit 'di ko iyon natutuloy lahat na maging isang buong storya. Sa edad namang labingdalawa'y nagsimula na akong magsulat ng aking first fantasy novel na "The Semideus." Sa edad na 'yon ay natututo na ako sa mga akmang grammar, concepts, at iba pang mahalaga sa pagbuo sa storya. Since it's a childhood dream for me, why not try now that I'm learning more? Nang magsimula akong magkaroon ng mga readers ay mas lalo kong pinagpatuloy ang pagsusulat.


2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?

Sa kagustuhan kong magbasa pa ng mga fantasy stories, nag-search ako sa net at napadpad sa mundo ng Wattpad. Nagsimula akong kumilala ng mga author at kapwa readers at nakita ko ang Wattpad bilang 'safe space.' Dahil sa mga interaksyon na aking nagawa, nagkaroon ako ng lakas ng loob na ilathala rito ang mga storyang naiisip ko. I believed that Wattpad is a space for me to grow and foster my talents.


3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?

"They believe that objects have souls. The more love you put into one, the more beautiful it becomes," sinulat ni Marie Lu sa Warcross na isa rin sa mga paborito kong libro. Sa lahat ng mga manunulat ay mga katha niya ang pinakatumatak sa'kin na nagawa kong basahin lahat ng kaniyang sinulat. Maybe it has something to do with preference, and the way she writes her thoughts. Katulad nalang ng linyang narito. Ito ang isang katagang 'di ko malilimutan, at naging basehan din iyon ng aking motto bilang manunulat: "My readers are the ones who keep the worlds I create alive and meaningful."


4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit?

Si Miss April_Avery ang aking paboritong manunulat sa Wattpad sapagkat ang kaniyang mga storya, para sa'kin, ay breakthrough sa buong WattpadPH community kabilang ang mga mambabasa at manunulat. It's not just her stories that are magical, but also the wise choice of her words. Tila ba'y nadadala ako sa mga mundo at mayroong nababago sa mga pananaw ko. Hinding hindi ko rin makakalimutan ang advice niya bago magbasa ng 'Something Spectacular' sa twitter. "Remember who you are before you read it, the story might change you a little after reading."


5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?

The Semideus, ang una kong nobela, ay inspired sa Greek Mythology at umiikot sa mga propesiyang ukol sa 'life, time, and death.' Bukod doon ay naging pokus ng storya ang adventure at pagkakaibigan ng mga Semideus o mga mortal na pinaboran ng mga Olympians. Ang storya ay nabuo sa loob ng halos limang taon, ngunit naniniwala ako'y hindi pa ito tapos isulat. Palagi't palagi ko itong binabalikan at inaayos upang mas gumanda ito. The story may be done, but the progress of its improvement isn't.

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now