March 2021 (i) Panayam kay TheAliendMind

81 3 0
                                    

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Ngayong darating na March 10, 2021 ay 3 years na ako bilang official Wattpad Ambassador at napabilang ako sa Engagement team. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Isa akong Senior Wattpad Ambasssador sa Engagement team. Mayroon kaming dalawang initiatives para sa Ambassadors PH page at isa sa AmbassadorsPH profile ngayon to engage more Filipino Wattpadders. Bilang parte sa engagement team ay nagbro-broadcast kami ng updates, messages, announcements, magbigay ng initiatives at activities para sa ating Filipino Community. Sumasagot sa mga queries sa profile at page. Tumutulong sa mga concerns, issues, problems galing sa Filipino Community. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Ilang beses akong nag-try bago ako maging parte ng Filipino Ambassadors. Gusto ko maging Ambassador upang mas marami akong matulungan na kapwa wattapadder din sa kanila-kanilang concerns sa Wattpad. 


4. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Sa totoo lang, ang kalaban ko talaga dito ay internet connection & time. Tamang time management lang na you can spend the minimum of 4hours a week or more. Gusto kong mag-volunteer kaya ginagawa ko ang lahat para magampanan ito. 


5. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Natutunan kong hindi lahat ng ginagawa mong istorya ay pwede na. Dapat alamin muna ang Content Guidelines dahil baka ma-report ang ginagawa nating estorya. Sayang ang effort kapag gano'n kaya mas mainam na huwag lumabag sa ating Content Guidelines.

Community Newsletter (2021)Where stories live. Discover now