October 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips

44 2 0
                                    

Paano magsulat ng perpektong Cliffhanger

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Paano magsulat ng perpektong Cliffhanger

Kung bumili ka ng ikalawang libro ng isang serye o nanood ng sequel dahil desperado kang makakuha ng closure, naging biktima ka ng isang matagumpay na isinagawang Cliffhanger. Laging tandaan na imposibleng ibaba at iwan ang isang magandang kuwento. Ang pagpaplano ng Cliffhanger ay mas mahirap kaysa sa tingin mo.

Ano ang Cliffhanger?

Ang cliffhanger ay isang plot device sa isang eksena, kabanata o seksyon ng isang kuwento na biglang naudlot nang walang warning o resolusyon. Tandaan na ang cliffhanger ay hindi dapat mahaba at mapaglarawang talata. Ang cliffhanger ay dapat biglaan. Kailangan mo itong gawing maiksi, empunto at nakagugulat.

Ang mga wakas ng Cliffhanger ay kadalasang nasa dalawang kategorya:

- Ang pangunahing karakter ay haharap sa isang panganib o isang sitwasyon na posibleng nagbabanta sa buhay nito.

- Isang nakagugulat na rebelasyon ang lalabas at magbabanta sa pagbabago ng kurso ng salaysay ng kuwento.


Ating tingnan ang ilan sa mga mahalagang elemento ng pagsusulat ng isang magandang Cliffhanger.

- Simulan ang mga kabanata na may dagliang sentido o sense of urgency.

- Gumawa ng bungad para sa isang kabanata o seksyon sa pamamagitan ng tanong, isang nakawiwiling fact o pagbabago ng takbo ng kuwento.

- Ipakilala o ipasok ang bagong surpresa na hindi inaasahan ng audience.

- Gumamit ng pulses, o mga maiikling pangungusap o parirala para antigin ang mga mambabasa sa nakukubling panganib.

- Panatilihin ang mga passage na maiksi subalit may kahalagahan at dapat tanggalin ang labis na paglalarawan.

- Ilipat ang mga huli at natitirang talata ng isang eksena sa susunod na kabanata.

- Tandaan na ang cliffhanger ay hindi spoiler.


Sa gayon, paano natin mababatid ang cliffhangers nang mas maigi? Tayo ay magbasa.

Lahat tayo ay mga mambabasa sa una. Ang ating pagmamahal sa pagbabasa ang nagbunsod sa atin patungo sa pagsusulat ng kuwento. Kaya naman kapag magbabasa tayo ng libro, kailangang gawin natin ito bilang isang mambabasa kung saan binibigyang pansin natin ang mga katangian at detalye na ang mga mambabasa ang nakapapansin at nakapagbibigay ng halaga nito.

Pagkatapos mong basahin ang libro na lubusan kang nasiyahan, balikan ito at aralin. Bigyang pansin ang mga aspeto na nagustuhan mo. Isa sa mga aspetong dapat pagbigyang tuon ay ang mga cliffhanger.


Ang Color Psychology

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Ang Color Psychology

Ang mga kulay ang bumibihag sa lahat dahil bawat kulay ay may vibe na kung saan tumatatak sa bawat indibidwal. Ang mga kulay na nakikita natin sa screen ay resulta ng tatlong pangunahing kulay o primary colors na tumutukoy sa mga kulay na red, green at blue (RGB). May mga kulay naman sa mga nakalimbag na bagay: Cyan, Magenta, Yellow, at Black. Ang colour psychology ay isang pag-aaral kung paano nakakaapekto ang mga kulay sa persepsyon at pag-uugali. Hindi lamang ito nakakatulong sa mga interior designers kundi pati na rin sa mga graphic designers. Sa marketing at branding, ang color psychology ay inilalahad kung paano naaapektuhan ng kulay ang impresyon ng mga customers sa isang brand. Mayroon kaming compiled list ng mga kulay na nagsasaad sa partikular na mga emosyon. Kung ikaw ay isang beginner graphic designer, sundin ang mga ito hanggang sa wakas upang mapabuti ang inyong graphic game.

Yellow

Cheerful

Hunger

Warmth

Optimism

Orange

Confidence

Enthusiasm

Value

Impulse

Red

Excitement

Passion

Strength

Excitement

Green

Growth

Health

Wealth

Responsibility

Blue

Trust

Truth

Strength

Dependable

Violet

Wealth

Luxury

Quality

Peace

Brown

Earthy

Masculinity

Rugged

Strength

Black

Profession

Intelligence

Balance

Luxury

White

Clean

Purity

Simplicity

Health

Community Newsletter (2021)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن