March 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips

87 6 0
                                    

NAKAKALOKA! MAKAKABASA NA NAMAN AKO NG TIPS NGAYONG BUWAN!

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

NAKAKALOKA! MAKAKABASA NA NAMAN AKO NG TIPS NGAYONG BUWAN!

Napansin mo ba ang mali sa mga pangnungusap sa itaas?

Para sa buwang ito, pag-usapan natin ang tamang paggamit ng mga unlaping naka- at maka-.

Kadalasan, sa ating pagsusulat, ating nagagamit ang mga unlaping naka- at maka- at hindi natin napapansin na mali na ang pagkakagamit natin sa mga ito. Katulad ng halimbawa sa itaas, madalas nating naisusulat ang mga salita bilang nakakaloka at makakabasa. Tayo ay nasanay sa pag-uulit ng ikalawang pantig ng salita (hal. nakakaloka).

Pero alam niyo bang hindi dapat ganiyan ang tamang pagsulat sa mga salitang ito?

Sa mga ganitong pagkakataon, ang unang pantig ng salitang ikinakabit sa unlaping naka- o maka- ang siyang dapat ulitin.

Halimbawa:

loka

Mali - nakakaloka

Tama - nakaloloka

asar

Mali - nakakaasar

Tama - nakaaasar

basa

Mali - makakabasa

Tama - makababasa

gawa

Mali - makakagawa

Tama - makagagawa


Ganito rin ang ating dapat pakatandaan sa mga unalaping nakapag- at makapag-.

Halimbawa:

tayo

Mali - makakapagtayo

Tama - makapagtatayo

taka

Mali - nakakapagtaka

Tama - nakapagtataka



Community Newsletter (2021)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang