Chapter 2

23 2 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Alas sais pa lang naman ng hapon at hindi pa ako nagugutom kaya mamaya na ako magluluto ng hapunan namin.




Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung narinig ko kay Amy kanina. Kaibigan rin kasi sila ni Cj at hindi ko lang ma-imagine kung anong magiging reaksyon ni Cj roon kung sakaling totoo nga na gusto siya ni Natalie.





I mean, kaibigan ko rin naman sila pero parang hindi. Gets niyo? Si Kailey lang talaga 'yung pinaka close ko sa aming lima. Pero mas lamang lang talaga 'yung pagkakaibigan namin ni Cj dahil mas matagal na kaming magkakilala at magkaibigan.




"Ate Drei, tawag ka ni Mama," sambit ni Sophia sa akin pagkapasok niya sa kwarto ko. May kinuha siyang bond paper roon sa study table ko saka lumabas. Gagawa siguro ng assignment.




Bumaba ako at pumunta sa sala. Nakita ko si Mama na inaayos ang mga paninda niyang damit. Puro t-shirt 'yung pinapack niya kaya tumabi ako. Online seller kasi si Mama at kahit papaano naman medyo malaki ang kita niya. May sideline rin siya sa pagtitinda ng mga sweets dahil marunong siyang magbake.







"Bakit po Ma?" Tanong ko.




"Ikaw na muna ang magluto ng hapunan ngayon. Late makakauwi ang kuya mo dahil marami raw gagawin sa trabaho. Si Sophia naman, pakitulungan sa assignment niya," bilin niya sa akin.




"Okay po,"







Tumango ako at naglakad papuntang kusina. Kinuha ko sa freezer 'yung baboy at iba pang sangkap para sa lulutuin ko. Sinigang ang naisip ko dahil madali lang naman lutuin 'yon.



Nang matapos akong magluto ay naghain ako saka kami sabay-sabay kumain. Si Mama na ang naghugas ng mga pinagkain at sinabing tulungan ko nalang si Sophia sa assignment niya.




"Ano ba 'yung assignment mo?" Tanong ko pagkapasok ko sa kwarto nila ni Mama.





"Math," napasapo ako sa noo ko dahil hindi naman ako magaling roon. Pero dahil elementary naman siya nagets ko 'yung sasagutan. Kaunti lang naman 'yon kaya madali kaming natapos. Sinabi kong magpahinga na siya at dumiretso ako sa kwarto ko.



Naligo ako at nagpalit ng ternong pajama. Umupo ako sa kama ko at inayos ang dadalhin kong bag bukas. Regular class na naman kasi at for sure tambak ang gagawin. Humiga nalang ako at natulog dahil maaga pa ko bukas.





"Miss Angeles, please distribute the papers. Mayroon kaming meeting ngayon,"sambit niya bigla sa akin. Kinausap niya naman 'yung president namin para sabihing magbantay sa klase.




Binigay ko sa mga may-ari 'yung test paper nila. Ang kukulit nga nila dahil wala na naman si Ma'am rito sa room. Ibig sabihin, walang klase.




"Bagsak ka," asar ko kay Cj pagkalapag ko ng papel sa desk niya. Busy siyang naglalaro ng kung ano sa cellphone niya at hindi niya ako napansin.




"Ano?!" Sigaw niya at mabilis na binitawan ang cellphone niya tapos tinignan niya 'yung score niya. Long test pa naman 'to.



Natawa ko dahil narealize niya na perfect score siya.




"Masaya ka?" Inis na tanong niya sa akin.  Tawa lang ako ng tawa dahil grade concious pa naman 'to. Hindi lang halata.




"Parehas tayong perfect score ha! Libre mo naman ako,"




Malay mo, TayoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt