Chapter 44

20 2 0
                                    



"Bakit hindi ka pa nakabihis?!" gulat na tanong sa akin ni Kailey pagkapasok niya sa opisina ko. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. She's wearing a red silk dress!





"Why? Is there any ocassion?"




Umirap siya at hinatak ako patayo at kinuha ang bag ko. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga empleyado ko dahil nga hinatak niya agad ako! Sumakay kami sa kotse niya at pinaandar iyon. Nang huminto kami sa isang Mall ay hinatak niya ako ulit at dinala sa isang botique na puro mamahaling damit!






"Pick any dress you like and also heels," sambit niya at pumunta roon sa isang rack. Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Ano bang mayroon at kailangan kong magdress?






"Ikakasal ka ba ngayon?" tanong ko.






She looked at me flatly. "Ikaw ang ikakasal rito hindi ako," sagot niya saka may tinaas na color champagne na dress. It has glitters in it. "Sukat mo 'to," tinulak niya ako sa fitting room kaya wala na akong nagawa kundi sukatin ang dress na iyon. It looks good on me, though.







"How was it?" tanong ko pagkalabas ko ng fitting room.





"Perfect! Also wear this heels! Come on, I'll pay for it," hinatak niya ulit ako papunta sa counter at saka niya binayaran ang suot kong dress. Nakalagay sa paper bag ang suot ko kanina. Medyo mabagal pa ako maglakad dahil naka-heels ako. Plus, ang dami pang tumitingin sa amin!






"Bakit ka ba nagmamadali? Anong mayroon? At saka bakit ko kailangan magmake-up?" naguguluhan na talaga ako.





"Just chill. Makikita mo rin mamaya. Sa ngayon, sundin mo nalang ako." hinawakan niya ang baba ko at nilagyan ng lipstick ang labi ko. Mayroon pa siyang kung ano-anong ginawa sa mukha ko bago siya nagretouch saka nagmaneho paalis.







Ang bilis niya magpaandar halatang nagmamadali. Hindi ko nalang siya pinansin at sumunod nalang sa gusto niya. Napakunot ang noo ko nang pumasok kami sa village namin at saka siya lumiko patungo sa Clubhouse. Ang daming nakaparadang kotse. May party ba? Hindi ko naman birthday o ni Cj ngayon ah?






"Come on, they're waiting for us." hinawakan niya ako sa kamay saka kami pumasok sa loob. Nagtungo kami sa pool area at wala namang tao roon. Nakapatay ang ilaw.






"Surprise!" nanlaki ang mata ko nang makita sila Jaypee roon at iba pang mga tao. May hawak silang bulaklak. Binigay sa akin ni Jaypee 'yung boquet ng bulaklak at bumeso.






"Congratulations to the both of you, Drei."





"Thank you," I smiled widely at him. Naglakad ako papalapit sa kanila at bumeso. Puro thank you lang ako dahil napagalaman kong Engagement party pala ito. Natatawa ako dahil kailangan pa pala ng ganito? Nang matapos ko silang batiin ay lumapit ako kay Cj na ngayon ay nakangisi, hinihintay ako.








"You planned this, right?"





He chuckled then he hold my waist then he kissed me on my lips, softly.





"I wanna surprise you,"





"You surprised me, then." he just chuckled then he hold my hand at hinatak ako roon sa table. Nilapag ko sa ibabaw ang bulaklak saka kami nagcheers gamit ang wine glass.





"The wedding coordinator called me earlier. She was asking what's the motif of our wedding. May naisip ka na ba?" tanong niya.






Malay mo, TayoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu