Chapter 45

22 2 0
                                    



After that Engagement Party, umuwi na rin kaming lahat. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi pa man napapasok ni Cj ang kotse niya sa garahe ay bumaba na ako. Dumiretso ako sa kwarto namin para maligo. I feel so sticky.



Pagkatapos kong maligo ay nagtungo ako sa walk-in closet at naghanap ng pantulog. I was in the middle of wearing my shirt when Cj entered. Hindi ko siya pinansin at pinagtuloy lang ang pagbibihis. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para magtoothbrush. Pumasok rin siya roon para maligo.





Wala talaga akong gana makipag-usap sa kaniya. Bumaba ako para magtungo sa kusina. Gusto kong uminom. Pero wala namang alak na nakastock rito. Napahinto ako sa paghahanap ng makita ko si Cj. Aalis na sana ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko at pinaupo ako sa upuan.






"Ano?" walang emosyon na tanong ko. He just looked at me then he held my hand.






"Are you mad?" he asked me carefully.






"Why would I be mad? May ginawa ka bang mali?" pabalang kong sagot at muntikan pang umirap.







"That's what I'm thinking right now. So please, can you tell me what is it? It's bothering me,"





Walang buhay ko siyang tinignan at mapaklang tumawa. Nahilamos ko pa ang palad ko sa mukha ko dahil sa frustration.







"Buti naman alam mong may ginawa ka,"





He sighed then he tried to reach my hand.





"Can you just please tell me what is if?"






"Nakita kita kanina kasama mo si Lory. Nag-uusap kayong dalawa. I heard everything, Cj. And it pains me knowing that she still loves you. Kaya siguro ayaw ka niyang tantanan sa trabaho 'no?" I chuckled bitterly. "Ayokong maging judger pero ayon ang nakikita ko sa kaniya. Hindi niya alam ang epekto niya sa akin sa tuwing magkalapit kayo."








"I know love. But trust me, we just talked! Nothing else," sagot niya at halatang naistress na.





"Ayon na nga Cj! Kitang-kita ko naman na nag-uusap lang kayong dalawa pero sa tuwing magkasama kayo hindi ko maiwasang matakot para sa sarili ko. Kasi pakiramdam ko, kayang-kaya ka niyanc agawin sa akin. Cj, kaya kitang ipaglaban sa kahit sino. Pero paano kung dumating 'yung araw na siya na pala 'yung mahal mo at hindi ako? Sa tingin mo ba makakalaban pa rin ako lalo kung alam kong talo na ako?"





Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong kumirot ito. Napapikit ako nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa mukha ko. Ang sakit. I have trust issues I know that. Hindi ko rin alam bakit ko nasasabi 'to.







"Hey love, please, please calm down... Shh..." hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nakapatong sa lamesa at hinalikan iyon.







"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya na mas lalong nagpaiyak lang sa akin. Binawi ko ang mga kamay ko at nilagay iyon sa mukha ko.







"Cj alam mong mahal na mahal kita. Na lahat kaya kong gawin para sa'yo. Kaya kong magsakripisyo para sa'yo. Pero 'yung pati pagtitiwala ko sa'yo, ke-kwestunin mo? Sana naman maintindihan mo ako. Kung paano ako lamunin ng takot ko sa tuwing magkasama kayo ni Lory o ng ibang babae na may gusto sa'yo. Natatakot ako kasi katulad ni Lory, sa ganoong sitwasyon rin tayo nagsimula."







Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now