Chapter 10

13 0 0
                                    

Ngayon ang enrollment namin pati na rin ang kuhanan ng card para sa final grade namin. Kinakabahan nga ako sa mga grades ko dahil ayokong bumaba ang mga 'yon. At saka baka hindi ko na rin kaklase si Cj next school year.







"Angeles," tumayo ako at pumunta sa harapan para kuhanin ang card ko. Hihintayin ko nalang si Cj na matawag para sabay kaming mag-enroll.







Tinignan ko ang mga grades ko at masasabi ko namang kahit papaano ay tumaas ito. 92 ang final average ko kaya naman natuwa ako. Naging worth it lahat ng pagod ko.







"Anong average mo?" Napatingin ako kay Cj nang sumulpot siya sa tabi ko. Hawak niya ang card niya at nakasukbit lang sa balikat niya ang isang strap ng backpack niya. Himala at nagdala pa siya ng bag ngayon.







"92. Ikaw?"








"Wow! Grabe Drei! Hindi na talaga kita kaya! Ang taas taas mo na!" OA niyang sagot kaya hinampas ko siya ng card ko.








"Ang ingay mo. Patingin nga ng iyo," kinuha ko sa kaniya ang card niya at napaawang ang labi ko ng makitang mas matataas ang mga grade niya sa akin. 93 ang final average niya. Kahit pa isa lang ang lamang niya sa akin nakakagulat pa rin.









"Hindi iyo 'yan no?" Tanong ko, hindi naniniwala.







"Oy sa akin 'yan! Ang judgemental mo ha!" Sabi niya sa akin habang nakahawak pa sa dibdib niya. Ang drama.








"Tara na nga magenroll na tayo," hinatak ko siya paalis roon at saka kami umakyat sa second floor. Kung saan nagkalat ang maraming estudyante.







"Mas mataas na ang section mo sa akin. Kaya hindi na tayo magkasama at magkikita ng madalas," sambit ko habang hinihintay ibigay ang schedule ko. 'Yung kaniya nakuha na niya ata.








"Umaga pa rin pasok ko," sagot niya. Sakto naman na binigay na sa akin ang schedule at section ko.








"Umaga rin pasok ko," sambit ko sa kaniya. Ngumiti siya ng malakas at kinurot ang pisnge ko. Ganiyan siya katuwa. Grabe, nananakit.







"Magkatabi rin room natin. Ayos 'yan!" Tuwang-tuwang sabi niya.







"Andree!" Napalingon naman ako sa likod namin nang marinig kong may tumawag sa akin. Si Kailey pala.






"Oh. Bakit?" Tanong ko.







"Magkaklase pa rin tayo!" Masayang sambit niya kaya napangiti ako. Buti nalang kasama ko pa rin siya.






"Oo nga e. Buti 'yon at may kasama ako,"







Mabilis lang rin lumipas 'yung mga araw. Dalawang buwan lang ang bakasyon namin at back to school na. May na ngayon at summer na kaya napakainit. Mayroon ngang outing sila Cj at sinasama ako kaso hindi ko naman alam kung papayagan ako ni Mama.








"Drei, anak, bilisan mo na riyan magluto at may bisita ka!" Sigaw ni Mama mula sa sala kaya binilisan ko na ang kilos ko. Hinubad ko ang apron ko at naghugas ng kamay bago pumunta sa sala. Nakita ko si Cj na naroon sa sala, nakaupo sa sofa.







"Nakauwi ka na pala," umupo ako sa tabi niya at inakbayan naman niya ako agad. Ayan na naman siya. Dalawang linggo kasi silang nasa Batangas at doon siya nagbakasyon.






Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now