Chapter 6

18 2 0
                                    

"Okay Class next week is your Field Trip then the day after that is your final exam. Malapit na kayo sa fourth year kaya magseryoso na kayo. 'Yung mga hindi nagpapasa ng output at modules riyan magpasa na dahil gawaan na ng grades at ayoko naman na mayroon magka-blangko sainyo." Sambit ng Adviser namin.






"Ma'am saan po pupunta sa Field Trip?" Tanong nung isa naming kaklase.





"You'll be going to museums and also to Enchanted Kingdom. Bukas magbebenta na ako ng ticket kaya magsabi na kayo sa parents niyo," sakto naman na nagbell na kaya inayos ko na ang mga gamit ko.




"Class dismiss," tumayo na ako at lalabas na sana nang lumapit bigla sa akin si Kailey.




"Sasama ka?" Tanong niya habang palabas kami ng room.




"Siguro. Ikaw ba?"





"Oo naman 'no! Magpapa-alam na nga ako kay Mama e. Sabihan mo ako kapag sasama ka ha?"





"Sige sabihan kita mamaya,"




"Kain tayo siomai roon dali!" Hinatak niya ako roon sa may tawid saka kami bumili ng siomai. Umupo kami roon sa may mga upuan saka kumain.





"Tahimik mo ngayon. May problema ba?" Tanong niya bigla sa akin. Bumuntong hininga ako at binaba ang lagayan ng siomai.





"Sa pamilya lang," maikling sagot ko at uminom ng tubig.







"Sure ka? E bakit parang magkaaway kayo ni Cj?"







"Ano'ng ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong.







"Hindi kasi kayo magkasama ngayong araw. Tapos hindi rin nagpapansinan. Hindi lang ako sanay na ganoon kayong dalawa kaya akala ko magka-away kayong dalawa."







Mahina akong tumawa para hindi niya mahalatang malungkot talaga ako.







"Hindi naman kailangang magkasama kami palagi," sagot ko.








Totoo naman. Mayroon siyang sariling kaibigan kaya wala akong karapatan na pagbawalan siyang makipagkaibigan sa iba. At 'yung tungkol roon sa nangyari kahapon, hindi ko rin alam sa sarili ko bakit ako umiyak.






Iniisip ko nalang na siguro dahil na rin sa stress at pagod kahapon kaya ganoon. Tapos ngayong araw hindi niya ako sinundo at hindi niya rin ako pinapansin kaya mas lalo lang akong nalungkot. Gustong gusto kong magsabi sa kaniya pero baka mayroon rin siyang problemang iniisip kaya pinilit ko nalang manahimik. Maging pabigat pa ako sa kaniya.











"Ma, mayroon kaming Field Trip next week. Bukas na raw po 'yung bentahan ng ticket," paalam ko pagkatapos kong maligo.







"Magkano ba 'yon?"






"One thousand raw po,"







"Oh ito pambayad mo bukas. Siguro naman mayroon ka pang pera sa ATM mo galing sa magaling mong ama," sambit niya.






Ngumiti nalang ako sa kaniya at tinanggap 'yung pera. Ayoko na muna isipin 'yung sa kanila ni Papa.






"Thank you po Ma."







Tumayo na ako at umakyat sa kwarto. Nilagay ko 'yon sa wallet ko at tinawagan si Kailey para sabihing makakasama ako sa Field Trip namin next week.






Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now