Chapter 11

10 0 0
                                    


Natawa nalang ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya. Tumayo na ako at inaya siyang matulog na. Sa isang malaking kwarto kami nila Tita. Pero may dalawang pinto para roon sa mga kwarto.


Ang bilis lang rin lumipas ng mga araw. Kahit papaano ay na-enjoy ko naman ang summer vacation ko. Kasi nakapagswimming ako. Si Cj naman palaging nasa bahay. Ang dahilan niya raw kasi ay baka kapag nasa 4th year na kami ay hindi na niya ako makita. O baka raw ay magkaroon na ako ng bagong kaibigan.



Alam ko naman sa sarili kong imposible iyon dahil kaklase ko si Kailey. At saka tinatamad na rin aki kumilala pa ng ibang kaibigan. Si Cj, hindi malabong mas madagdagan ang tropa niya dahil nga lalaki siya. Madali lang siyang makikipagclose sa mga boys.

"Ang bagal maglakad! Male-late na tayo!" Sabi ko kay Cj. As usual hinintay ko siya sa labas ng bahay dahil magsasabay kaming pumasok. First day of school ngayon at kinakabahan ako kasi 4th year na kami. Ang bilis naman ng panahon.



"Teka lang naman. Alam mo bang ang aga pa?" Tanong niya kaya napatingin ako sa relo ko. Alas sais palang ng umaga at alas siyete pa ang pasok namin tapos ang lapit lang ng school kaya hindi ko na siya minadali.





Pagkarating sa school ay sabay naming hinanap ang room namin. Room 402 siya at ako naman ay 403 kaya magkatabi lang pala talaga kami. Nakakatuwa naman.


"Hintayin mo 'ko kapag vacant na ah. Sabay tayo kain," bilin niya kaya tumango nalang ako saka pumasok sa room.


Nakita ko si Kailey roon sa may dulo kaya umupo agad ako sa tabi niya. Buti nalang talaga kaklase ko siya. Kundi magmumukha akong kawawa at loner ngayong 4th year.


"Sa Friday na pala yung opening ng Arts Month," sambit ni Kailey habang narito kami sa loob ng cafeteria, umiinom ng juice.

"Sana naman baguhin na nila 'yung pa-contest 'di ba? O kaya magtayo sila ng Dance Club. Puro nalang kasi sa Music Club ang nagpeperform sa stage tuwing may program tayo," sagot ko naman.



"Kapag may Dance Club na, sasali ka?" Tanong niya sa akin. Napaisip ako roon dahil mula nang maghigh-school ako ay natigil na ang pagsasayaw ko. Kahit pa noong Grade 6 lang ako natuto sumayaw ay may kaunting alam naman ako.



"Puwede rin,"


Pagtapos ng klase namin ay umuwi na rin ako agad. Hindi ko na hinintay si Cj kasi sabi niya maglalaro pa raw silang magtotropa. Gabi na matatapos ang mga 'yon kaya hindi ko na siya hinintay. Marami pa akong assignment na gagawin.

"Dito tayo upo sa harapan. Kanina narinig ko may Dance Club na raw e!" Bungad sa akin ni Kailey pagkapasok ko sa school. 

Buti nga at nagsimula agad ang Program at sinabi na ang mga pa-contest nila this month. May poster at slogan making na naman. Kaya itong si Kailey ay paniguradong sasali.

"And also to all dancers out there, you can join now the Dance Club! It's open for all grade level. Just look for Mr. Jessy kung gusto niyong mag-audition,"sabi ng Emcee sa stage kaya nanlaki ang mata ko.


Totoo ngang may Dance Club na!



"Mag-audition ka na sa Monday Drei!"

Malay mo, TayoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt