Chapter 19

15 1 0
                                    


"Ang busy mo naman masiyado!" reklamo ko sa kaniya at pasalampak na umupo sa sahig katabi niya. Busy siyang gumagawa ng plates ngayon dahil next week na raw ang pasahan noon.









"Ikaw kaya gumawa nito," sagot niya pabalik at kumuha ng fries roon sa bowl na nasa gitna ng coffee table. Inirapan ko siya at kumain nalang rin ng fries habang umiinom ng coke.







Narito kami ngayon sa bahay nila at inaya niya ako na dito raw kami mag-aral ngayon. Linggo naman kaya wala akong training. Sakto rin naman na kaunti lang ang assignment ko kaya makakapagpahinga pa ako.







"Hay, grabe kapagod," nag-inat siya at pinatunog ang mga buto sa daliri sa kamay.







"Tapos mo na plates mo?"






"Oo. E ikaw ba?" tanong niya at nagsimula nang ligpitin ang mga gamit niya.






"Oo tapos na rin."






Nagligpit lang kami ng mga gamit namin sa sala at 'yung mga kalat. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina nila para maghanap ng lulutuin dahil nga gabi na at oras na rin ng hapunan. Wala 'yung magulang niya ngayon kaya pinapunta niya ako rito dahil bored na bored na raw siya.






Pritong manok nalang ang naisipan kong lutuin dahil madali lang 'yon maluto. Nagsaing na rin ako at naghugas ng mga pinagkainan ko. Si Cj siguro naliligo na.





"Wow! Ang bango naman nito!" sambit niya nang makapasok siya sa hapag-kainan. Tumawa ako at pinaupo na siya. Nakahain na lahat kaya nagsimula na rin kaming kumain dahil gutom na gutom na talaga kami.









"Nood ka ng contest namin a? Magtatampo talaga ko kapag hindi ka pumunta," sabi ko sa kaniya at pabiro pa siyang inirapan.









"Kailan ba 'yon?"





"Two weeks from now. Don't worry, ako ang bahala sa ticket mo. VIP pa 'yon! Kaya dapat naroon ka. Hindi puwedeng wala ka." sagot ko sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkain ko.









"Alright. Galingan mo,"








Siya na ang nagprisintang maghugas pagkatapos namin kumain. Ganoon lang naman ang mga nangyari sa linggong iyon. Pero may pressure na rin sa amin dahil ilang araw nalang ay contest na namin.





Araw-araw na ang training namin kaya sobrang pagod ko na talaga. Ang dami na rin naming school works at kailangang magreview dahil magfa-finals na. Nakakapressure!









"Kailey!" ngumiti agad ako nang sagutin niya ang video call ko.




"Hey! I just woke up! Napatawag ka! Kamusta?"





"Ayos lang naman. Ikaw ba? Mukhang busy ka na riyan ha?"







"Sobra! Ang hirap kasi mag-adjust talaga rito. But no worries, ikaw lang ang bestfriend ko!"






Tumawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya.






"Tsaran! Nakuha ko na!" pinakita ko sa kaniya 'yung ticket ng dance contest. Actually kay Cj talaga 'yon pero pinakita ko lang sa kaniya dahil nga wala siya rito.







"What's that? A ticket?"






Tumango ako at binalik na sa folder na hawak ko. Dahil nga baka malukot.







Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now