Chapter 25

12 0 0
                                    



After that Boracay trip, madalang nalang kaming nagkikita ni Cj. Hindi na rin ako nakakauwi sa condo niya dahil medyo malayo iyon sa school ko kaya sa bahay muna ako. Hectic ang schedule ko sa training dahil may papalapit kaming dance contest after ng graduation naming students. Nagkataon pa na sabay ang graduation namin ni Cj at Justine.







Ngayon, inaayos ko ang mga folder ko dahil maagang nagpapasa ng mga requirements ang ilan naming Prof. Isabay mo pa ang pagre-review araw araw dahil ilang araw nalang rin ay finals na namin. Nakakakaba. Kailangan kong pumasa rito.






Buti nga at sa bahay muna nag-stay si Kailey dahil bakasyon pa rin nila. Tinutulungan niya rin ako magreview dahil advance sila roon. Napapansin ko rin na pumapayat na talaga ako lalo dahil araw-araw na ang training ko. Linggo nalang ang pahinga ko talaga.








"Hello?"




"Hey, break time niyo na ba? I'm outside your school,"








"Yeah. Wait me there!" mabilis kong inayos ang mga gamit ko at lumabas ng school. Nakita ko naman agad si Kailey at saka kami dumiretso sa coffee shop na malapit sa school namin.










"Kumusta? Marami ka bang gagawin?" tanong niya habang umiinom ng kape.








"Wala naman masiyado. Mayroon lang akong training mamaya kaya madaling araw na ako ulit makakauwi," sambit ko at kumagat roon sa cupcake na inorder ko.










"Can I come?"








"Sure. Pero ayos lang ba sa'yo?"







"Oo naman. Kita nalang tayo rito mamaya after your class ha? May aasikasuhin pa naman ako,"







Tumango lang ako sa kaniya at saka inubos ang pagkain bago bumalik ng school. Naging maayos rin naman ang training ko. Si Justine mukhang gusto pang pormahan si Kailey. Ayos lang naman sa akin. Mabait naman si Justine.






Mabilis lang ang araw. After ng finals, ginahol na nila kami sa requirements. Lalo na sa training ko dahil ilang linggo nalang rin ay contest na namin. Kapag nanalo kami roon ay ipapadala kami sa Australia. Pero if ever man na manalo kami, hindi na ako sasama. Masiyadong hassle kasi. Ang daming papeles ang kailangang asikasuhin at malaking pera rin ang ilalabas.










"Maayos lang ba 'yung suot ko?" tanong ko kay Kailey at umikot pa para ipakita sa kaniya ang suot kong off-shoulder na dress.






"You look great Drei! Gosh, you're so pretty!"








"Thank you," I smiled to her. Lumapit siya sa akin at nagselfie kami sa cellphone niya. Hinayaan ko muna siyang i-post 'yon sa Instagram niya at ako naman ay tinignan ulit ang sarili ko sa salamin. Siya ang gumawa nitong make-up ko pati na rin ang kulot kong buhok.









Sumakay kami sa taxi nila Mama patungo sa school. Nagtext pa sa akin si Cj na goodluck raw kaya natawa ako. Hindi ko nalang siya nireplayan dahil mamaya naman after ng graduation namin ay magkikita kami. Mayroon raw celebration pero hindi ko naman alam kung saan.











Pagkarating namin sa school ay dumiretso nalang ako sa puwesto ko. Nasa kabilang row ang mga bisita kaya naman medyo nabored na ako. Naglaro nalang ako sa cellphone ko hanggang sa nagstart na ang ceremony. Nakahinga ako ng maluwag pagkababa ko sa stage dahil sa wakas graduate na ako!






Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now