Chapter 34

15 1 0
                                    

"Ma'am, dumating na po 'yung bago nating bulaklak. Naroon na po sa counter,"




Tumango ako kay Tina at sinundan siya palabas. Nagtungo ako sa counter at sinuri ng mabuti ang bagong bulaklak na inorder ko. It's red and yellow tulips. Hindi kasi ako nag-order nito noon dahil masiyadong mahal at baka hindi rin naman mabenta. Sayang pa.






"It's beautiful." I whispered. Binigay ko na kay Tina ang bulaklak para maayos na nila roon sa mga shelf 'yung bulaklak. Next month, I'm planning to sell some cherry blossom and lily para maiba naman sa mga costumer.







"Hey,"



Napaangat ako ng tingin nang biglang may nagsalita sa harapan ko. Tinanggal ni Cj ang sunglasses niya at nilagay sa ibabaw ang shoulder bag ko. Oo nga pala, sabi niya ngayon niya ito ibibigay sa akin. I almost forgot!






"Thanks," kinuha ko ang bag ko at nilagay sa tabi ng upuan.






"Next time, take care of your belongings." Sambit niya at parang galit pa.




Problema nito? Hindi ko naman sinasadya na maiwanan 'yung bag ko ha! Ngayon lang 'to nangyari sa akin.






"I know. Sorry," tumahimik nalang ako at nagdikit ng sticky notes roon sa calendar dahil ayon ang date para sa deliveries ng flowers namin. Tatlo na rin ang taga deliver ko kaya naman palaki ng palaki ang kita ko, ganoon rin ang gastos ko para sa mga empleyado ko. But it's okay. If they are not with me, I won't be able to do this job.









"It's lunch. Have you eaten?" Tumingin pa siya sa wristwatch niya.






"Hindi pa,"





"Come on. Let's eat sa restaurant ni Justine."




Tumango ako at kinuha ang bag ko dahil naroon ang pera ko. Nakita ko pang simpleng tumili sila Tina dahil magkasama kami ni Cj. They know Cj and I bet may issue na kaming dalawa sa kanila! Gosh.




Sumakay kami sa sasakyan niya at nagmaneho papunta sa restaurant ni Justine. Siya pa nga ang nagbukas sa amin at kumuha ng order. He's smiling like an idiot kaya napairap ako.





"Shut up," iritang sabi ni Cj kay Justine dahil tumatawa ito na parang tanga.





"I'll better get going now. Ayokong mabugbog," pagkasabi niya noon ay mabilis siyang umalis sa harapan namin. Anong mayroon roon? Bahala nga sila.









"Buti malapit lang 'yung site niyo sa Shop ko. Hindi ka natraffic," sambit ko bigla.






"Papunta palang talaga ako sa trabaho. Chineck ko lang 'yung bagong gawa naming bahay malapit sa Shop mo." Sagot niya at tinuon ang pansin sa cellphone niya. He looks so busy.







Nakakahiya naman kung tatagalan kong kumain 'di ba? Kaya naman pagdating ng order namin ay kumain agad ako. Gutom naman talaga ako but the other reason I was eating so fast is because he's off to work! Baka malate pa siya nang dahil sa akin.








"Why are you eating so fast?" Tanong niya na nagpatigil sa akin sa pagkain. Uminom ako ng tubig at tumingin sa kaniya, nahihiya.






"Baka kasi malate ka sa work mo..." bulong ko at nagiwas ng tingin.






He chuckled softly then he handed me the tissue.




"I won't be late. Eat slowly,"






"Okay." Tumango ako at kumain nalang ng normal. Masiyado na akong nakakahiya sa harapan niya. Nang matapos kaming kumain ay sabi ko ako na ang magbabayad or half half kami but he said he already paid for it kaya wala na akong nagawa. Nakakahiya talaga!










Hinatid niya ako sa Shop ko at saka siya umalis. Mukha pa siyang nagmamadali dahil may kausap siya sa cellphone niya. Nagthank you ako sa kaniya nang makaalis siya. After that day, hindi na kami nagkita ulit. Maybe he's busy. Pero, para saan pa nga ba kung magkikita kami hindi ba? Wala namang dahilan.







I called Kailey earlier dahil nakatanggap ako ng text kay Papa na gusto nga raw niya akong pumunta as soon as possible. He wants me to stay for a week. But I said I have work so I'll be staying there for three days lang. Siguro, matatanggap ko na sila noon.







Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa Mall dahil roon kami magkikita ni Kailey ngayon. I need to buy a gown and heels! Kahit pa ayoko dahil hindi nga ako sanay ay bibili pa rin ako. I'm only doing this because I love Papa. That's it.








"I know a botique. Let's go there!" Hinatak niya ako sa isang botique at puro nga gown roon at dress na pangkasal. Royal Blue ang motif ng kasal nila Papa so I need to find some Royal Blue dress.








"How about like this? Ako nalang ang pipili ng dress mo then ikaw ang pumili ng sapatos mo?" Suggestion niya.







"Oh right. Magkita nalang tayo sa restaurant. I'll treat you dinner," I smiled at her then I left the store.








Naghanap ako sa mga store ng sapatos hanggang sa wakas ay nakahanap rin ako ng maganda para sa akin. 2 inches lang ang taas ng heels dahil hindi ako sanay roon at saka matangkad naman ako. Hindi ko kailangan ng mataas masiyado. It's silver and has glitters on the side. Mayroon pang flower roon sa bandang tuktok so it really looks cute on my eyes.










"Why didn't you tell me that night, Drei?" Kailey asked while we were eating.








"I'm sorry. Masiyado lang akong nabigla noong gabi na 'yon kaya naman hindi ko na talaga nasabi sa'yo."







She smiled then she held my hand.





"I understand. So, how are you now?"






"I'm fine. Pero, iniisip ko pa rin talaga ang kasal nila Papa. At this moment, I can't really accept it. Nahihirapan pa talaga ako," bumuntong hininga ako at nagiwas ng tingin. I'm getting emotional again.









"I wanna come with you there. But I have some works to do. Kailangan kong bumalik sa America dahil nagresign ang Director ng Board kaya kailangan kong asikasuhin pa 'yon. I'm sorry, Drei."








Umiling ako at nginitian siya. "You don't have to, Kailey. Besides, Cj wants to accompany me. But, I'm still thinking about it."








"Oh. So, you're good now?" She sound so hopeful.







"I wish," I laughed sarcastically.








"If you think naman na maayos na kayong dalawa, pumayag ka na. Ayokong magisa ka roon. I know you're weak when it comes to your Father, Drei. Kaya pumayag ka na, na samahan ka niya. Wala namang mawawala hindi ba?"










Napaisip tuloy ako lalo sa sinabi ni Kailey sa akin. Hanggang sa makauwi ako at nakahiga sa kama iniisip ko 'yon. She's actually right, though. Walang mawawala kung susubukan ko. Inabot ko ang telepono ko at binuksan iyon. It's already 1 am in the morning and yet I'm still up!







"Cj," mahinang sambit ko dahil kinakabahan ako. I was actually surprised when he picked it up. So it means that he's still up too!









"Hey. Need anything?"









"Uhm, about roon sa offer mo sa akin? Pumapayag na ako na samahan mo ako."






Bumuga ako ng marahas pagkasabi ko noon. Kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Nakakainis!








"Alright. See you then, Drei."

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now