Chapter 30

19 1 0
                                    



"Anong sabi mo?"





Tinigil niya ang paggamot sa sugat ko dahil nalagyan niya na pala ng band-aid iyon. Halatang naguguluhan na siya dahil sa sinabi ko. Nakahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko at paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya na masakit na.






"Ang sabi ko masakit na. Sa sobrang sakit, malapit na akong mamanhid. Pakiramdam ko kasi hindi ko na kaya... Hindi ko na kayang itago sa'yo 'tong nararamdaman ko para sa'yo"










Tumingin siya ng mabuti sa akin, hindi pa rin ako naiintindihan. Pumikit ako at pinunasan ang pisnge kong basang-basa na. Huminga ako ng malalim at pagak na tumawa.







"Natatakot kasi ako sa'yo 'tong sabihin, mula pa noon. Kaibigan kita, Cj. Dati, ang turing ko sa'yo para kong kapatid. Kasi ganoon mo ako alagaan e. Para kang kuya ko. Hanggang sa nagkahiwalay tayo sa high-school. Hindi ko alam noon kung bakit ako nasasaktan sa tuwing kasama mo sila Lory. Ang nirarason ko pa noon sa sarili ko, baka kaya ganoon kasi kaibigan nga kita. Pakiramdam ko kasi, aagawin ka nila. Tapos paano na ako kapag nawala ka?"








Tumawa ako ng mahina at pinunasan ulit ang luha kong patak ng patak. Nakatingin lang siya sa akin at parang naiiyak na rin.







"Hanggang sa nagcollege tayong dalawa. Doon, sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko sa'yo. Sabi ko, mahal ko na 'to hindi bilang kaibigan kundi bilang ikaw. Kahit magkahiwalay tayo ng school noong college hindi pa rin ako nalulungkot kasi alam ko gumagawa ka ng paraan magkita lang tayo. At doon ako mas lalong nahulog sa'yo. Lalo na noong inaya mo akong rito na tumira. Pero hindi ako umaasa masiyado na baka may gusto ka rin sa akin kaya mo ako inalok na rito tumira kasama mo. Kasi hanggang ngayon, sa nakikita ko sa'yo, hanggang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin."










"Drei... Shh... I'm sorry. Please, stop crying," he tried to wipe my tears away but I moved my face away. Afraid of his touch now. Umiling ako at humawak nalang rin sa kamay niya.












"Pero ganoon naman siguro talaga kapag nagmamahal ka 'di ba? Kakambal noon ang sakit. Kaya kahit mahirap at masakit para sa akin, tiniis ko kasi ayokong masira 'tong pagkakaibigan nating dalawa. Sinubukan ko naman. Sinubukan kong pigilan pa. Pero niloloko ko lang ang sarili ko kasi kahit anong gawin ko, mas lalo lang kitang minamahal,"







Tumingin ulit ako sa kaniya at ngayon ay umiiyak na siya. Mas lalo lang rin akong naiyak pero pinunasan ko ang luha niya at nginitian siya. Niyakap ko siya at roon ko binuhos ang luha ko. Mas lalo akong umiyak nang humigpit ang yakap niya sa akin. Wala na akong ibang maramdaman kundi ang sakit ngayon rito sa puso ko.









Dapat inasahan ko na 'to. Na ganito talaga ang mangyayari kapag umamin ako sa kaniya. Nasasaktan ako para sa aming dalawa. Natatakot rin ako na baka ito na nga 'yung huli. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala siya sa akin. Pero ganoon naman talaga ang buhay 'di ba? Kahit anong kapit mo sa isang tao, kung kailangan mong pakawalan, papakawalan mo.








"Drei, I'm sorry. Hindi ko alam. Please, huwag ka nang umiyak..."






Bumitaw ako sa yakap naming dalawa at pilit na ngumiti sa kaniya. Noon, ang saya-saya ko sa tuwing tinitignan siya. Pero ngayon, ang sakit sakit na. Hinawakan ko ang mukha niya at marahang hinalikan ang noo niya. Unang beses ko itong ginawa sa kaniya na alam niya at nasasaktan pa kami pareho.










"Alam ko, hindi mo masusuklian ang pagmamahal na mayroon ako para sa'yo. At ayos lang ako roon. Kasi ginusto ko naman ito. Wala kang dapat gawin, Cj. Kung magiging kayo man ni Lory, tandaan mo nakasuporta lang ako para sa'yo kahit nasa malayo ako. Aalis muna ako ha? Sa ngayon kasi, kung patuloy kitang makikita mas lalo akong makokosensya dahil hindi na kaibigan ang turing ko sa'yo. Pangako, babalik ako kapag maayos na ako. Maraming salamat sa lahat, Cj."










Umiling naman siya kaagad at hinawakan ang kamay ko.





"Hindi... Drei, hindi mo kailangan umalis. Please, huwag..." he was begging at me. Pumikit ako ng mariin at niyakap siya ng mahigpit.








"I love you,"







Tumayo ako at mabilis na pumasok sa kwarto ko at nagimpake. Wala na ako sa tamang pagiisip kaya kung ano nalang ang mapulot kong gamit ay nilagay ko sa maleta ko. Ang sakit sakit. Nagmamahal lang naman ako pero bakit ganito kasakit? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kailey.








"Kailey... Sunduin mo ako rito, please... Ngayon na." umiiyak na sabi ko.







"Okay. I'm on my way!"







Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit ko. Nang mapuno ang maleta ko ay nagpalit ako ng damit dahil marumi na iyon. Kinuha ko ang maleta ko at lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman si Cj sa may sala, nakatayo at may kausap sa cellphone.









"What? Why? Saang Hospital 'yan? Damn! I'm on my way! Hang in there, Lory!" mabilis niyang kinuha ang susi niya at lumabas ng condo.









Lalo lang akong nanghina nang marinig ko ang pangalan ni Lory. Naalala ko na naman ang pag-amin niya kay Cj kanina. Naiyak na naman ako. Pumunta ako sa sala at roon na bumagsak ang tuhod ko dahil hinang hina na talaga ako. Nagtext ako kay Kailey na umakyat na lamang siya rito dahil hindi ko na talaga kaya.









"Andree!" tumakbo siya papalapit sa akin at tinulungan akong i-upo sa sofa. Kumuha naman siya ng tubig at pinainom iyon sa akin. Mayroon siyang kinuhang panyo sa bulsa ng pantalon niya at ipinunas iyon sa mukha ko.











"I did it... I finally did it. And it hurts... So much." napatungo ako at yumakap sa kaniya. Hinahagod niya ang likod ko, pinapakalma ako.









"Ilabas mo lang, Drei. Nandito lang ako. Hindi ako aalis,"












Humigpit ang yakap ko sa kaniya at hiniga ang ulo ko sa balikat niya. Alam kong pagod na ang mata ko kakaiyak pero hindi pa rin talaga ako tumitigil sa kakaiyak.








"Mahal ko siya, Kailey. Mahal na mahal..." bulong ko.







"Shh, I know... Calm yourself, Drei."








Pinikit ko ang mga mata ko at saktong siya ang nakita ko roon. Mas lalo lang akong naiyak. Ang sakit nang makita ang mukha niya ngayon. Ang sakit lang rin kasi alam ko tapos na 'yung matagal naming pinagsamahan biglang mag-kaibigan. Pero alam ko naman sa sarili ko na kahit papaano, naging masaya ako sa mga panahong iyon.









May our paths cross again, my love.







--

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now