Chapter 8

12 0 0
                                    

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad dahil parang nawalan ako ng gana bigla. Hindi ko alam kung bakit. Gusto kong masakyan lahat ng rides dito dahil nga first time ko makapunta rito.




"Sakay tayo roon!"sambit bigla ni Jaypee. Lumingon naman kami ni Kailey at tinuturo niya 'yung may tubig. Sasakay ka sa parang maliit na bangka tapos mahuhulog kayo sa tubig. Mataas siya at mukhang nakakatakot pero mukha namang masaya.





"Tara Drei!" Hinatak ako ni Kailey at pumili na kami. Hindi masiyadong mahaba ang pila kaya naman mabilis kaming sumakay. Nasa unahan umupo si Jaypee tapos sa gitna naman si Kailey tapos ako 'yung nasa likod.





"Wala palang hawakan rito?" Tanong ko nang magsimula kaming gumalaw.




"Oo Drei. Kaya humawak ka ng mahigpit sa akin." Sabi naman ni Kailey kaya kumapit ako sa laylayan ng suot niyang jacket.





"Ikaw rin Kailey, kapag natatakot ka humawak ka lang sa akin. Sasaluhin naman kita!" Biro ni Jaypee kaya natawa ako. Hinampas lang siya ni Kailey pero sinunod pa rin nito ang sinabi ni Jaypee.






Sa unang bagsak ay medyo nabasa na kami. Hindi naman nakakatakot. Pero 'yung bagsak na, 'yung pinakamataas, doon na ako nalula. Basang-basa na kaming tatlo kaya tawa kami ng tawa.





"Hanap tayo dryer. Patuyo tayo!" Aya ni Jaypee kaya sumunod nalang rin kami. Maraming tao ang nakapila kaya medyo natagalan pa kami. Pagkatapos ay nagrides nalang ulit kami. Mayroon pa naman kaming thirty-minutes bago bumalik sa bus.






Gusto ko sanang sumakay sa Ferris Wheel kaso sobrang haba ng pila at aabutin kami ng isang oras. Hindi naman namin pwedeng ipilit dahil maiiwan kami ng bus.






Speaking of Cj, mula nang umalis siya sa amin kanina, hindi na naman siya nakita. Ang daming tao kaya imposibleng magkita kami.




"Kain na muna tayo tapos balik na tayo sa bus," sabi ko sa kanila. Naghanap kami ng makakain. Shawarma ang binili namin ni Kailey at hotdog on stick naman ang kay Jaypee.





"Thank you sa drink!" Sabi ko at ininom ang biniling iced tea ni Jaypee para sa amin ni Kailey. Ang bait talaga nito.




"Bakit pala hindi ka sumama kay Cj kanina?" Tanong ni Kailey habang naglalakad kami pabalik sa bus namin.




"Wala lang. At saka mas gusto kong kasama kayo para na rin may bantay kayo," sagot niya. Napangiti naman ako dahil ayon pala 'yung rason niya.




Pag-akyat namin sa bus ay nasa kalahati na ang naroon. Si Cj rin nandoon na pero kausap niya si Natalie at sabay silang kumakain.





"Excuse," sambit ko pagkahinto ko sa harap niya. Nakaharang kasi yung binti niya kaya inusog niya pa 'yon. Buti nalang at nandito sa upuan ko ang bag ko kaya nakuha ko ang jacket ko. Gusto ko sanang magpalit ng damit kaso lalabas pa ako. Kung dito naman, walang magtatakip sa akin kahit pa may suot akong sando.






"Magpapalit ka ng damit?" Tanong bigla ni Cj kaya napalingon ako sa kaniya. Paano niya nalaman? Kanina pa ba niya ako tinitignan?





"Oo,sana."





Tumayo siya at inagaw sa akin ang jacket ko. Malapad naman 'yon kaya walang makakakita sa akin. May tiwala naman ako na hindi niya ako sisilipan kahit pa nakasando ako. Tumalikod ako sa kaniya at inayos ang kurtina na nasa harapan ko. Nagpalit ako ng bagong t-shirt at mabilisan lang 'yon dahil nakakahiya na sa kaniya. Baka mag-uusap pa sila ni Natalie.








Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now