Chapter 41

14 1 0
                                    

Naging busy kaming dalawa ni Cj nitong mga nakaraang araw. But he's more busy than me. Minsan nga hindi na siya nakakauwi sa bahay. Roon nalang siya sa hotel na malapit sa site nila siya natutulog.






Tungkol naman roon sa bahay na pinapagawa ko ang laki na rin ng pinagbago. Buo na ang first and second floor. Ginagawa na ang mga kwarto. 'Yung sa may pool area pi-nalate ko nalang dahil hindi naman masiyadong importante iyon. Pero sana, in few months or a year, tapos na 'to. I can't wait to give it to my mom.







"Tina, uuwi ako ng maaga ngayon. Kayo na muna ang bahala sa Shop ha? Salamat," paalam ko sa mga empleyado ko at saka bumalik sa loob ng opisina ko para ayusin ang mga papeles na naroon. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko saka sumakay ng taxi pauwi.









Ang sabi sa akin ni Cj ay maaga siyang uuwi ngayon kaya naman bago pa ako umuwi ay dumaan muna ako sa grocery store para mamili ng lulutuin ko for dinner. Nagluto ako ng Steak kahit wala namang okasyon. I just wanna impress him. After kong magluto ay dumiretso na ako sa kwarto para maligo. I just wore a simple yellow dress ending above my knee then nilugay ko ang buhok ko.










"Hello, nasaan ka na?"






"Malapit na. Wait for me, love."







"Alright."









Binaba ko na ang tawag at saka pumasok sa dining area para ayusin ang lamesa kahit maayos naman na. I even prepared a wine for us. Narinig ko  ang pagbukas ng gate sa garahe kaya naman mabilis akong umalis sa kainan at pumunta sa labas para salubungin siya.








"Love!" tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Mayroon pa siyang hawak na boquet kaya isang braso lang niya ang nakayakap sa bewang ko. Bumitaw rin naman ako kaagad para hindi siya mahirapan.







"Flowers for you," inabot niya iyon sa akin. It's a boquet of rose! Ang ganda. Parang mas maganda pa sa mga paninda ko. O baka naman sa Shop ko pa siya bumili?









"Thank you," nginitian ko siya at hinatak na papasok ng bahay at dumiretso sa dining area. Nilapag ko muna sa sala ang flower dahil ayoko namang naroon 'yon sa hapag-kainan.







"You cooked this?" he asked nang makaupo siya.







"Yeah. Sana magustuhan mo,"







Ngumiti siya sa akin at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya. Tumayo ako at umupo sa hita niya, nakatitig lang sa gwapo niyang mukha.







"I missed you," he said then he kissed me softly. Napapikit ako at ginaya ang galaw ng labi niya. It lasted for about a minute after we pulled away.







"I missed you." sagot ko sa kaniya at umalis na sa pagkakaupo sa hita niya saka ako bumalik sa upuan ko at kumain. We were happily eating and talking. Sabi niya sa akin maluwag na raw ang schedule niya kaya maaga na siyang makakauwi rito sa akin and we can date also!








"Ako na maghuhugas. Maligo ka na, para makapagpahinga ka na," sambit ko saka dinala sa lababo ang mga hugasin. Tumango lang siya sa akin at rito pa talaga sa harap ko tinanggal ang polo niya! He likes being such a tease!







Pagkatapos ko maglinis sa kusina ay pumunta ako sa sala para kunin ang bulaklak ko saka umakyat sa kwarto. Nilagay ko iyon sa vanity table ko at naupo sa gitna ng kama, hinihintay si Cj. Wala na akong naririnig na tubig mula sa banyo kaya malamang ay nagbibihis na iyon.







"Ano ba 'yan magbihis ka nga!" umiwas ako ng tingin nang lumabas siya bigla na walang suot na pangtaas. Tanging shorts lang na cotton ang tela ang suot niya. Ang tuwalya pa niya ay nakasabit lang sa leeg niya. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya.








"Why?" he asked while chuckling. Sinamaan ko siya ng tingin at inalisan siya roon. Nagtungo ako sa balcony at umupo sa sofa na naroon. Tahimik lang sa village na ito at mahangin kaya naman ang sarap tumambay sa gabi.







Nagulat ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. Nakalagay ang braso ni Cj sa balikat ko at nakalaylay ang kamay niya kaya hinawakan ko iyon. I tilt my head a little and it gave him a chance to kiss my neck softly! Tinulak ko ng mahina ang ulo niya dahil parang ayaw pa niyang tumigil. He laughed softly then he sit beside me.








"Are you okay? Parang ang lalim ng iniisip mo," puna niya sa akin dahil ang tahimik ko bigla. Umiling ako at humilig sa balikat niya.







"I'm fine. Ang saya ko lang dahil nandito ka na ulit sa tabi ko,"







"Hindi naman ako mawawala sa tabi mo," sagot niya at hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa kaniya kaya napatingin rin siya sa akin.






"Talaga?"







"Of course, Drei. Hindi ko kakayanin na mawala ako sa'yo o ikaw ang mawala sa akin. What happened two years ago, I don't wanna happen that again. I'm so happy now because I'm with you." hinaplos niya ang pisnge ko kaya napangiti ako.








"I have a question," umayos pa ako ng upo na akala mo ay sobrang halaga ng itatanong ko sa kaniya.







"Spill it,"







"Bakit ka nagpatayo ng bahay na ganito? And you said it's for us. Pero wala na ako sa tabi mo no'n, noong pinagawa mo ito," tanong ko dahil naku-curious talaga ako.






"When you left, I decided to leave for a while. Iniwan ko 'yung trabaho ko rito saglit. Gusto ko kasing huminga e. Ayoko kasing tanggapin sa sarili ko na umalis ka na. Alam ko, kung saan ka hahanapin ng mga panahon na 'yon. But I chose to behave and patiently wait for you. Inayos ko 'yung sarili ko para pag bumalik ka, handa na talaga akong magtapat ng nararamdaman ko para sa'yo,"









"Then I started planning building a house. I always think positive na babalik ka sa akin at magiging tayo. Pinatayo ko itong bahay na 'to para sa future nating dalawa. I wanna spend the rest of my life with you,"








Mabilis akong tumingin sa kaniya at tila gulat na gulat pa. Ano bang sinasabi nito? Is he proposing or what? Anong gusto niyang sabihan?







"What?" I asked, almost whispering.







Mayroon siyang kinuha sa bulsa niya at binuksan niya ang kahon na iyon. It's a silver ring with diamond! Naluluhang tumingin ako sa kaniya. Naguguluhan pa rin ako.







"Marry me."







--

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now