Chapter 24

11 1 0
                                    


Ang plano naming three days na check-in sa hotel ay hindi na natuloy. Dahil kinabukasan tumawag sa akin si Cj at sinabing gusto raw niyang pumunta ng Boracay at sumama raw kami ni Kailey. Syempre mas gusto namin iyon kaya naman nagimpake na ako ng mga damit ko noong araw na 'yon at dumiretso kami sa airport.







"Where's Cj na ba?" tanong sa akin ni Kailey habang nakasakay kami sa taxi patungo sa airport.




"Nandoon na raw siya," sagot ko habang tinitignan ang laman ng backpack ko. Puro essentials ko ang narito at ayoko namang may makalimutan ako. May mabibilhan naman ako pero ayoko namang gumastos ng sobra. Buti nga itong Boracay trip, libre ni Cj.







Pagkarating namin sa airport ay nagbayad lang kami at saka kami pumasok at doon ko nga nakita si Cj. Nakasuot siya ng color blue na polo at nakaunbutton pa 'yon then shorts.





"Buti naman pumayag kayo," sambit niya at binigay sa amin ang ticket.





"Oo naman. Boracay 'yon e! Tapos libre mo pa!" sagot ni Kailey sabay tawa kaya tumawa na rin kami. Oo nga naman sino ang hindi papayag sa trip na 'to lalo at libre lahat.







Nang oras na para sa flight namin ay pumasok na kami sa loob. Magkatabi pala ang upuan namin ni Cj habang si Kailey naman ay sa likuran namin nakaupo.




"Sa may bintana ako ha?" sambit ko kay Cj at umupo na roon sa may window seat. First time ko makasakay ng eroplano kaya naman medyo kinakabahan ako.





"Are you okay?" tanong niya sa akin nang makaupo siya sa tabi ko.





"Oo. Medyo kinakabahan lang," I gave him a tight smile.




He chuckled then he hold my hand making my heart jumped.





"Relax. I'm here. Kumapit ka lang sa akin,"





Tumango ako at humawak sa kamay niya. Napapikit nalang ako ng mariin nang magtake-off na ang eroplano namin. Siguro sa sobrang kaba ko na rin ay nakatulog ako. Nagising nalang ako na narito na pala kami sa Boracay. Sumakay kami ng bangka pagbaba namin ng eroplano at pagkatapos noon ay sumakay kami sa isang van para magpahatid sa hotel na tutuluyan namin.





"Gusto niyo ba na magkasama kayo sa room? Dalawa nalang kasi 'yung available room e," sambit ni Cj pagkarating namin sa lobby ng hotel.






"No, I'm fine. Samahan mo nalang si Drei sa kuwarto!" sagot ni Kailey sabay kindat sa akin kaya inirapan ko siya. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya kaya ganoon ang sagot niya.






Bahagya ko siyang kinurot noong kinuha ni Cj ang key card ng hotel namin. Tumawa lang siya at saka naglakad nang makuha niya ang key card ng kuwarto niya.





"Ako na rito," kinuha ni Cj ang maleta ko saka kami umakyat sa taas. Maliit lang naman ang dala kong maleta. Four days pala kami rito kaya madami-dami talaga ang nadala kong gamit.







Pagkapasok namin sa kuwarto ay inayos ko na ang mga gamit ko. Our first day was fun. Nagdinner lang kami then nagswimming roon sa may swimming pool sa hotel na tinutuluyan namin. The second day, puro water activities ang ginawa namin. We rode a banana boat, nag-parasailing rin kami and scuba diving.







Then the third day, nag-island hopping naman kami. It was fun since it's our first time to do that. Kumain lang kami sa restaurant nung lunch then nagpahinga sa hotel dahil ang aga namin gumising para lang magawa ang mga water activities na 'yon.







"Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko at umupo sa tabi ni Cj. Narito kami ngayon sa tabing-dagat. Mayroong bonfire na nasa harapan naming tatlo at may mga alak rin.







"Yeah. Want some beer?" hindi ako sumagot pero tinanggap ko nalang 'yon. Ininom ko 'yon at napangiwi ako dahil sa pait ng lasa.







"Thanks for the treat Cj. I really need this,"sambit ni Kailey pagkatapos ng mahabang katahimikan. He smiled at her.






"You're welcome. I was so bored too that's why I planned this trip."








Nagusap pa silang dalawa at ako ay tahimik lang. Hindi ko naman alam ano ba ang sasabihin ko. Tumayo si Kailey nang may tumawag sa kaniya at sinabing babalik lang siya sa hotel room niya dahil kailangan niyang gamitin ang laptop niya.






"Are you happy?" tanong ni Cj sa akin.







"Oo naman. First time ko maranasan lahat ng ito. And I'm thankful for that," ngumiti ako sa kaniya.








"The second reason why I planned this is because I know that you are not okay. I want you to be okay. I don't want you to be sad anymore. That's why I'm hoping if ever I planned this trip and it goes well, you will be happy."







Lumambot kaagad ang puso ko sa sinabi niya. Why is he like this to me? I'm starting to assume things now. Pero alam kong mali iyon kaya naman inalis ko na siya sa isip ko. I should be thankful that he is my bestfriend and he always take care of me. And it stays that way. Ayoko siyang mawala sa akin. Damn my feelings!








"Thank you so much. I really appreciate it. Akala ko hindi mo 'yon napapansin."







He chuckled then he held my hand.





"Ikaw pa ba hindi ko mababasa? I've known you for a long time now, Drei." he smirked making me laugh a little.









Humilig ako sa balikat niya at tumitig lang sa payagang karagatan na nasa harapan namin ngayon. Ang kalmado lang. Parang wala akong problema ngayon. Parang gusto ko nalang kalimutan.








"Ang suwerte ng magiging girlfriend mo, Cj." biglang sabi ko sa kaniya.






"What do you mean?"







"Sobrang maalaga mong tao. Sino ang hindi mahuhulog noon sa'yo?" sambit ko at pasimpleng napatakip sa bibig ko dahil baka mahalata niya ako. Ano ba Drei bakit ang daldal mo?! Nakakainis naman!







Mahina siyang tumawa at umiling pa saka uminom mismo roon sa bote ng alak. Napailing nalang ako dahil parang wala naman siyang paki-alam sa sinabi ko. Tahimik lang ako dahil nakakaramdam na ako ng antok. Dala na rin ng pagod.








"Hindi suwerte ang magiging girlfriend ko in the future. Kasi sa'yo lang naman ako ganito. Sa'yo ko lang 'to pinaparamdam, Drei."








And right at that moment, I knew to myself that I'm really falling inlove with him.




--

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now