Chapter 21

13 0 0
                                    

"Sara mo bibig mo. Pasukan ng langaw 'yan,"



Napakurap ako nang parang may pumitik sa harapan ko. Nakanganga pala ako. Ano ba 'yan nakakahiya!






"Pero bakit gusto mo?" tanong ko at umayos ng upo sa sofa. Hindi na ako makatingin sa kaniya ng maayos.







"Because I want to. Sa tingin ko naman masaya 'yon na rito ka na rin nakatira sa condo ko. Or kung gusto mo, every Friday ka nalang umuwi. I have two rooms here." nakangiti siya sa akin, halatang natutuwa sa naiisip niyang ideya.








Natutuwa ako sa gusto niya. Gusto ko naman. Papayagan naman ako ni Mama. Pero ngayong mayroon akong nararamdaman para sa kaniya hindi ko na alam ano pa bang desisyon ang gagawin ko.




"Pag-iisipan ko," iyan ang tangi kong sagot sa kaniya.



Nang gabing iyon ay pinahiram nga niya ako ng damit. Malaki naman ang mga damit niya sa akin kaya ayos lang. Ihahatid naman raw niya ako bukas.



Pagkagising ay nagbreakfast lang kami saka kami dumiretso sa Mall para bumili pa ng mga kulang sa condo niya. Bumili pa siya ng isang kama para roon sa isang kuwarto niya. 




"Thank you sa paghatid. Update nalang kita kung ano man ang magiging desisyon ko," sagot ko sa kaniya.





"Sure Drei. I'll wait!"





Pumasok na ako sa loob at naabutan ko naman si Mama na nagliligpit ng mga paninda niyang damit. Alam naman ni Mama kung saan ako natulog kagabi kaya alam kong hindi na niya ako tatanungin.






Dumiretso ako sa banyo para maligo at nilabhan ko na rin ang damit na pinahiram sa akin ni Cj. Pagkatapos ay inayos ko na ang damit ko para sa training ko mamayang gabi. Puwede pa naman akong matulog dahil tanghali pa lang at nakakain na ako.







Hihiga na sana ako sa kama nang tumunog ang cellphone ko. Si Papa, tumatawag.







"Hello, Pa?"






"'Nak, kumusta na?"







"Okay lang naman po ako." sagot ko at umupo sa kama.







"Mabuti naman. Anyway, nasa bahay ka ba ngayon?"






"Opo, Pa. Bakit?"







"Sunduin kita riyan. Gusto kang makita ng kapatid mo."







"Okay po,"






Tumayo ako at nagpalit ng damit. Ripped jeans at white t-shirt ang suot ko. Sakto rin na naligo ako. Natutuwa ako na makikita ko na ulit si Papa. Ang tagal rin naming hindi nagkita. Mula nang grumaduate ako hindi na siya nagpakita sa akin. Binati niya lang ako tapos wala na.







Nasa America kasi sila noong panahon na 'yon. Siguro nakauwi na sila ngayon dahil nga nag-aaya siya na sumama ako sa kanila. Maayos naman 'yung anak niya roon sa bago niyang asawa. Pero ayoko siyang i-consider na totoo ko talagang kapatid. Annuled na sila Mama pero hindi pa naman nagpapakasal si Papa saka 'yung bago niyang babae ngayon.









"Saan ang punta mo?" tanong sa akin ni Mama pagkababa ko.






"Uh, susunduin po ako ni Papa ngayon rito." sagot ko at para pa akong kinakabahan.








Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now