Chapter 33

20 1 0
                                    



"Okay ka na?"

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at mabilis na bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. Ngayong kalmado na ako, saka ko lang narealize ang ginawa ko. Bakit ako yumakap sa kaniya? Nakakahiya!




"Ahm, oo, ayos na ako. Salamat," tatalikod na sana ako nang hawakan niya ako sa kamay at pinaharap ulit sa kaniya. Nakatingin siya sa mga mata ko at ganoon rin ako.





"Uuwi ka na?"


"Oo,"



"Ihahatid na kita."



"Huwag na. Magco-commute nalang ako pauwi,"


"Masiyado nang gabi, Drei. Wala ka na ring masasakyan.Kaya halika na, ihahatid na kita."



Tama nga naman siya. Malapit na mag alas dose ng madaling araw at delikado na nga. Wala na rin akong masasakyan niyan panigurado. Pumayag nalang ako sa gusto niya at sumakay sa sasakyan niya. Tahimik lang kaming dalawa. Wala rin naman kaming sasabihin.



Sobrang gulo pa rin ng isip ko ngayon. Sa sobrang gulo sumasakit na nga. Hindi ko na muna iintindi na magkasama kami ngayon. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko 'yung nalaman ko mula sa babae ni Papa.

Nasaktan lang ako lalo noong sabihin niya na gusto niyang magiging nanay ko na siya. Gusto ko silang intindihin ni Papa. Ang gusto ko lang naman sumaya si Papa pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maging masaya para sa kanilang dalawa ni Tita Chel.


Hindi ba, dapat naiintindihan ko na ngayon lahat kasi matanda na ako? Pero bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan? Bakit hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng sagot sa mga bakit ko? Ang hirap nang ganito. Ayoko namang tanungin si Mama dahil alam kong magagalit siya at hindi niya rin ako sasagutin.




"Saan pala kita ihahatid?" tanong bigla ni Cj.


"Sa bahay namin,"




Tumango lang siya at ako naman ay tumingin lang sa bintana. Ang tahimik ng daan. Ang kalmado lang. Binuksan ko ang bintana kahit pa nakabukas ang air-con ng kotse. Gusto kong makalanghap ng hangin. Gusto kong kumalma.




"Do you want coffee?" tanong niya ulit.

Napatingin naman ako at narito na pala kami sa isang Drive-Thru. Hindi ko man lang namalayan.



"Sige." matipid kong sagot sa kaniya.



I don't know what to feel anymore. Especially, at this moment right now. Kasama ko si Cj. Nalaman kong ikakasal si Papa. Ano pa ba? Dapat ko bang gawing big deal 'to?



"Here's your coffee," he handed me the cup of coffee. I just nod at him then I say thank you.

At dahil mainit pa naman 'yon ay hawak ko lang siya. Siya naman ay nagsimula nang magmaneho ulit. Nakalagay sa cup holder ang kape niya.




"Uh, huwag ka na bumaba. Salamat sa paghatid sa akin," sambit ko sa kaniya nang makita kong tinanggal niya ang seatbelt niya.




"I wanna greet your Mom,"

Napalingon naman ako sa gate namin at nakita ko nga roon si Mama. Anong ginagawa niya roon? Madaling araw na   a?

"Ma! Ano pong ginagawa niyo rito?"


"Hinihintay kita. Buti naman at si Cj ang kasama mo. Akala ko kung napaano ka na." bumuntong hininga pa si Mama at parang nastress.





"Hello po, Tita. Long time no see," nagmano siya kay Mama.




"Kumusta ka na iho? Ang tagal nating hindi nagkita. Ang sabi kasi nitong si Andree, nasa ibang bansa ka raw."




Oo nga pala hindi alam ni Mama 'yung totoong dahilan. Totoo naman talagang pumunta si Cj sa ibang bansa pero hindi ko alam kung nagtrabaho siya roon at nagtagal ng ilang buwan o taon. Mula nang umalis ako sa condo niya noon, nagpalit na rin ako ng number. Tinanggal ko ang lahat ng connection ko sa kaniya.




Napatingin si Cj sa akin saglit bago sumagot kay Mama. Nagpaalam na si Mama sa amin dahil matutulog na siya. At dahil pinagawa ko itong bahay namin, malawak na ang tambayan sa may gate. Mayroon ng upuan at lamesa.





Hawak ko pa pala ang kape ko kaya ininom ko na. Hindi na rin naman siya ganoon kainit. Nawala na rin ang sakit ng ulo ko. Para akong patay ngayon. Wala na akong maramdaman.





"Why are you crying?" he suddenly asked me.






"Ikakasal na ulit si Papa e. Kilala mo naman 'yung babae niya. I want him to be happy. Pero gusto ko sa amin siya maging masiya. Am I being selfish for thinking that way?"




Tumingin siya sa akin at pinunasan ang bibig niya gamit ang tissue dahil kakainom lang niya ng kape.





"You're not. Don't think that you're being selfish. Maybe, you're just in pain that's why you think of that for now," sagot naman niya.






"You think so?"




Gusto kong intindihin si Papa, pero paano? Saan ako magsisimula? Hindi ko na talaga alam. Ayoko nang magisip masiyado.





"Gusto ni Papa, nandoon ako sa araw ng kasal nila. Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin," sambit ko.






"I can accompany you. Only if you want." Maingat na sabi niya sa akin.








Napatingin ako sa kaniya. Naguguluhan rin ako sa kaniya. Bakit ba siya nandito? Bakit niya ako sinasamahan ngayon? Hindi ba siya galit sa akin? Pagkatapos kong umalis, deserved ko 'yung galit niya. I wasn't expecting to see him again!








"No pressure, Andree. I'll go home now. Goodnight," he stood up then he left.





Napatingin naman ako sa kaniya nang makalabas siya sa bahay. Napahinga nalang ako ng malalim at inubos ang kape ko. Tinapon ko iyon sa basurahan sa labas bago ako tuluyang pumasok sa bahay. Umakyat ako sa kwarto ko at naghalf bath. Mayroon pa akong pasok bukas. Sunday lang kasi ang pahinga namin at saka Holidays.







Pagkatapos kong magshower ay umupo ako sa kama at inayos ang kama ko. Naalala ko, noong mga bata pa kami, rito pa niya gustong-gustong matulog sa kwarto ko dahil ang laki raw ng kama ko. Malaki rin naman 'yung kaniya pero ang sabi niya mas masaya raw kung rito siya natutulog sa kwarto ko.







Kaya nga noong panahon na umiwas siya sa akin nalungkot ako at nasaktan. Kasi 'yung mga bagay na nakasanayan naming gawin noon, hindi na namin magawa dahil kinalimutan niya ako. Tulad nalang ngayon, siya 'yung nangako na hindi niya ako iiwanan. At ako naman ang nangako sa sarili ko na kahit anong mangyari poprotektahan ko ang pagkakaibigan naming dalawa pero tignan mo, nawala na.








Matutulog na sana ako nang tumunog bigla ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa side table at binuksan. Mayroong nagtext pero Unknown number lang naman.






You left your bag here in my car. Your things are here right? I'll just bring it to you tomorrow. Have a good sleep.









Napatakip ako sa bibig ko nang mapagtanto kong si Cj ang nagtext ang sa akin. Teka, paano niya nalaman ang number ko? At saka, magkikita pa kami ulit? Bukas?!





--



Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now