Chapter 14

16 0 0
                                    

"Samahan na nga kasi kita," pangungulit nitong si Cj sa akin. Hianwakan ko ang kamay niya at nilagay iyon sa hita niya dahil kanina pa niya winawagwag ang braso ko. 





"Ano naman ang gagawin mo roon, ha?" 





"Wala. Sasamahan lang kita. Bawal ba?" tanong niya at parang naagtatampo pa. Tumawa ako pinitik ang noo niya. 





"Oo na sumama ka na," 





Pumalakpak naman siya kaya napailing nalang ako. Para na naman siyang bata kung umakto. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang magusap kaming dalawa. And truth to his words, talagang bumawi nga siya sa akin. Araw-araw na kaming sabay pumasok at umuwi. Nakakapaglaro siya ng basketball pero maaga siyang umaalis. Hindi tulad noon na gabi na talaga siya umuwi. Wala naman kasing kaso 'yon sa magulang niya. 





"Just don't forget to do your PETA. Class dismiss," 





Tumayo na kaming lahat nang mag-bell at dinismiss kami ng teacher namin. Last subject na kaya uwian na. Mayroon na naman kaming PETA for this quarter. Buti nga at by partner 'yon kaya medyo madaling gawin. 





"Punta ka nalang sa bahay namin sa Sabado ha? Doon nalang natin gawin," sambit ni Kailey pagkalapit niya sa akin. 





"Sige. Pero baka mga hapon pa ako makapunta sainyo. May training ako ng sabado," 





Tumango naman siya at umangkla sa braso ko at naglakad kami pababa para puntahan si Cj sa may fountain dahil usually roon na kami nagkikita after class. Nalipat kasi ang room nila kaya hindi na kami magkatabi ng room. 







"Ayos pa rin naman kayo ni Cj 'di ba?" biglang tanong niya. 







"Oo naman," 







"Mabuti kung ganoon. Ayoko lang ulit na malungkot ka, Drei." 





Ngumiti ako sa kaniya. "Salamat sa pag-aalala," 



Sabay kaming umuwi ni  Cj nang makita ko siya. Wala silang laro ngayon kaya pumunta  nalang muna ako sa bahay nila para tumambay. Wala naman kaming assignment kaya nakitulog pa ako sa kwarto niya. Ganoon lang ang routine namin araw-araw. Kung hindi sa bahay namin, sa bahay naman nila. 





"Naks, dancer 'yan?" pang-aasar niya paglabas ko ng bahay. Nakasuot ako ng cargo pants at oversized na shirt. Actually sa kaniya nga 'to. Hiningi ko lang sa kaniya kasi ang ganda. Hinampas ko siya sa braso at inirapan. 







"Tara na nga! Ma-late pa ako," 





"Yes boss," 








Nang makarating kami sa studio ay marami na sila roon. Kasama kasi namin 'yung nagte-training talaga dito. Sila Justine.








"Puwede ka naman siguro umupo rito. Panoorin mo nalang ako," sambit ko kay Cj at binigay sa kaniya ang bag ko at tumbler.







"Galingan mo a?" pang-aasar niya pa kaya inirapan ko lang siya at pumunta na roon sa gitna at nagsimulang gawin ang warm-up.










Dumating na rin si coach at agad na nagturo ng bagong routine ng sayaw.Kasama rin namin nagtraining sila Justine at 'yung mga kasamahan niya.Actually katabi ko nga siyapero wala naman 'yon sa akin. Hindi naman rin kami nag-uusap. 





Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now