Chapter 9

11 0 0
                                    

"Anong oras ba ang pasok mo at ngayon ka lang bumangon?"

Tanong agad ni Mama sa akin pagkababa ko sa kusina. Alas dose na pala ng tanghali at ngayon lang ako nagising. Buti nalang at 1 p.m pa ang pasok ko.



"Mamaya pa, Ma," sagot ko nalang at naligo. Sobrang bigat at sakit ng katawan ko ngayon kaya ang bagal ko kumilos. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis lang ako ng uniform ko saka bumaba ulit para kumain.

Napansin ko na medyo mainit ako at nilalamig ako kahit pa wala namang nakatapat na hangin sa akin. Hindi ko nalang pinansin 'yon at kumain ng tanghalian.

Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko, lalo na ang lalamunan ko. Paos na nga ako kaya hindi nalang rin ako nagsasalita. Kaunti lang rin ang kinain ko dahil wala talaga akong gana.

Pagdating ko ng school dumiretso na ako sa room namin. Ten minutes nalang at magsisimula na ang exam namin. Nakita ko agad si Cj na naroon sa may likod at katabi niya si Natalie. Oo nga pala sabay silang pumasok ngayon.

Umupo nalang ako sa tabi ni Kailey dahil wala naman siyang katabi roon. Nakita ko siyang nagbabasa kaya tahimik nalang akong tumabi sa kaniya.

"Nandito ka na pala. Nakapagreview ka na ba?" Tanong niya nang mapansin niya ako.


"Oo. Naglast minute review ako kagabi bago matulog,"


Naputol ang paguusap naming dalawa dahil pumasok na ang teacher namin. Nagbigay agad siya ng test paper sa amin. At talagang Math pa ang pinauna niya huh?

Isang araw lang ang exam namin dahil bukas ay pasahan na ng requirements since Friday bukas. Weekends sila gagawa ng grades namin then sa Monday ang kuhanan ng grades saka enrollment.



"If you're done with your fourth subject, you can take a break. Mayroon pa kayong tatlong subject na ite-take,"



"Ilang minutes ang break time Ma'am?" Tanong naman ng kaklase ko.

"I'll give you thirty minutes,"




Nagpalakpakan naman ang marami sa kanila at mabilis na tinapos ang exam para makapagbreak time na sila. Tapos naman na ako pero wala talaga akong gana kumain kaya plano kong umidlip.


"Hindi ka magmemeryenda?"tanong ni Kailey habang kinukuha ang wallet niya.

Umiling ako. "Hindi na. Wala akong gana," sagot ko. Kumunot naman ang noo niya at pinagmasdan ako na akala mo ay mayroong mali sa akin ngayon.



"Ayos ka lang?"


"Oo. Medyo nilalamig lang. Iidlip muna ako ha? Gisingin mo nalang ako kapag mageexam na ulit,"




"Wait me here,"

Hindi ko nalang siya pinansin at pinatong ang ulo ko sa braso ko at pinikit ang mata ko. Bago pa ako tuluyang lamunin ng antok ay may naramdaman akong malambot na bagay na bumalot sa katawan ko. Baka si Kailey 'yon.




Ginising ako ni Kailey dahil tapos na pala ang break time namin. Napatingin naman ako sa sarili ko dahil mayroong jacket na nakalagay sa likod ko.




"Kay Cj 'yan,"bulong niya nang mapatingin ako sa kaniya. Tumango nalang ako at tinanggap ang test paper na nilapag sa desk ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon at nilalamig pa ako. Buti na lang at mahina ang aircon namin ngayon.




"Those who are finish on their test, you can go home now," anunsyo ng teacher namin at ang dami na agad tumayo. Tapos naman na ako pero hindi pa tapos si Kailey kaya hihintayin ko nalang siya.





"Tapos ka na?" Tanong ko nang ilagay niya sa bag niya ang ballpen niya.






"Oo. Tara, pasa na tayo," sabay kaming tumayo dalawa at pinasa ang answer sheet namin. Si Cj naiwan pa roon sa loob at ang iba pa naming kaklase kaya hihintayin ko nalang siya para maisoli itong jacket niya.







"Drei," napalingon naman ako dahil may tumawag sa akin mula sa likod ko. Si Cj pala. Nakasukbit na sa balikat niya 'yung bag niya at uuwi na.




"Ito na nga pala 'yung jacket mo. Thank you,"





Balak ko na sana iyon hubarin nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa gagawin ko habang ang isang kamay naman niya at sinasalat ang noo ko pati leeg ko.





"Ang init mo. Halika, uuwi na kita para makapagpahinga ka," sambit niya at hinawakan ako sa kamay. Hindi nalang ako pumalag dahil kanina ko pa talaga gustong umuwi sa sama ng pakiramdam ko.







Sumakay pa kami ng jeep para mas madaling makauwi. Nakahawak lang siya sa kamay ko hanggang sa makarating kami sa bahay. Sila Mama lang ang tao roon at as usual nagaayos siya ng mga paninda niya. Habang si Sophia naman ay nakaupo sa may sofa at kaharap ang laptop na bigay sa kaniya ni Papa.





"Good afternoon po Tita," bati ni Cj kay Mama at nagmano pa.




"O, tatambay ka na naman dito?"tanong ni Mama kaya natawa ako ng bahagya. Alam kong sasabihin niyang may sakit ako kaya inunahan ko na siya.




"Opo Ma. Sa kuwarto lang po kami,"




Hinatak ko na siya paakyat ng kwarto ko dahil para na talagang babagsak ang katawan ko.







"May sakit ka pala tapos hindi ka nagsasabi. Paano nalang kung wala ako o si Kailey kanina?" Tanong niya na nagpamulat sa mata ko.








"Lagnat lang naman 'to," sagot ko at humiga sa kama saka naglagay ng kumot sa katawan ko dahil ang lamig.






"Kukuhanan lang kita ng gamot at pamunas para bumaba 'yung lagnat mo. Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin kay Tita,"









Tumango nalang ako at pinikit ang mata ko. Alam kong sa pagod 'to kaya ganito ang inaakto ng katawan ko ngayon. Mabilis lang rin siyang umakyat at pinainom na ako ng gamot. Pinunasan niya rin ang braso ko pati ang noo ko para kahit papaano ay mabawasan ang init ng katawan ko.







"Magpahinga ka na muna,"








"Puwede ka naman ng umuwi. Magpahinga ka na rin. Kaya ko na rito,"







Aayusin ko na sana ang kumot na nasa may paanan ko nang maunahan niya akong ayusin iyon. Hinayaan ko nalang siya at humiga sa kama. Ipinikit ko ang mata ko at naramdaman ko naman na hinawakan niya ang kamay ko.






"Bakit? May problema ba?" Mahinang tanong ko.







"Wala. Magpahinga ka na. Dito lang ako, hindi kita iiwan."






Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now