Chapter 26

14 2 0
                                    


"Whoo go Drei! Fighting!"






"Fighting Drei! You can do it!"







Natawa naman ako sa dalawa kong kasama ngayon. Ngayon na ang dance contest namin at kasama ko si Cj at Kailey. Syempre hindi pwedeng wala sila rito lalo't bukas na ang flight niya patungong America.






"Thank you sa inyong dalawa. Gagalingan ko promise."







"You don't have to, matagal ka naman ng magaling," sabi ni Cj kaya tumawa ako.





"Ang bolero!"




Yumakap lang ako sa kanilang dalawa bago ako bumalik sa pwesto namin dahil tinatawag na ako ni Coach. Nakasuot ng t-shirt namin si Cj at Kailey. Color black ang sa amin ni Cj at kay Kailey naman ay maroon. Sinadya niyang magkaparehas ang sa amin ni Cj dahil bagay raw kami. Anong connect?







"Fighting team Elite! I know we can do this!"







Huminga ako ng malalim at saka ngumiti kay Justine saka ako tumakbo sa pwesto ko. Kinakabahan ako ng sobra ngayon dahil ang laki ng contest na ito. Maayos naman ang naging daloy ng sayaw namin. Hanggang sa 'yung part na naming mga babae na kailangan naming tumambling at magsplit.





Saktong pagtumbling ko, ay natapilok ang paa ko. Napaigik ako sa sobrang sakit pero tinuloy ko pa rin ang routine namin kahit sobrang sakit na talaga. Nang wala na ako sa frame ay sinalo agad ako ni Justine dahil siya ang nakakita ng pagkakamali ko.







"Are you okay?" tanong niya.




"Oo ayos lang ako," sagot ko kahit hindi naman. Tumingin ako sa gawi nila Cj at halata sa mukha nila ang nag-aalala kaya naman nginitian ko sila at tinapos ko ng maayos ang sayaw. Inalalayan agad ako ni Justine patungo sa backstage dahil hindi ko na talaga kayang maglakad. Masiyado nang nabugbog ang paa ko.







"Coach Medic!" sigaw ni Justine at inupo ako roon sa upuan. 'Yung iba naming kagrupo ay binigyan ako ng tubig at pinaypayan pa ako dahil nanghihina na ako. Halatang nag-aalala rin sila sa akin.





Nang dumating ang medic ay mabilis nilang tinignan ang paa ko at sinabing na-sprain raw ako. Nilagyan muna nila iyon ng cold compress bago binalutan ng bandage. Sinabihan rin nila ako na hindi muna ako pwedeng maglakad para mas mabilis akong gumaling.






"Coach, sorry..." nahihiyang sambit ko at tumungo.






"Wala ka namang kasalanan. I saw the whole routine. Hindi nila nahalata 'yung pagkatapilok mo. Get well soon, Drei."






"Thank you Coach." ngumiti ako sa kaniya at nagpahinga muna bago kami bumalik sa venue dahil i-aannounce na ang grand winner. Pinasan muna ako ni Justine dahil nga bawal talaga ako maglakad.







"And for our Grand Champion, Congratulations Elite Dance Crew!"





Tumalon silang lahat samantalang ako lang ang naiwan na nakaupo. Dahan-dahan naman akong binuhat patayo ni Justine para makasali ako sa group hug. Nagpicture lang kami ng ilang beses at saka kami bumalik sa backstage para magpalit ng damit.







"O huwag mo ng sisihin sarili mo. Nandito na 'yung medalya natin," sambit ni Justine at tumawa.






"Oo na. Salamat nga pala," ginulo niya lang ang buhok ko at pinasan ulit ako para makapunta ako kila Cj. Nandoon na pala sila sa labas kaya binaba na ako ni Justine.







"Congrats sainyong dalawa! But are you okay now Drei? Nakita ko 'yung nangyari!" sambit ni Kailey. Tinuro ko ang paa ko dahil 'yung kaliwang paa ko lang ang mayroong suot na sapatos.








"Buti nasalo agad ako ni Justine kanina," sambit ko at mahinang tumawa.






"Thanks for taking care Drei, Justine!"





"My pleasure," kinindatan niya si Kailey kaya tumawa ako ng malakas. Sinapak ko siya sa braso niya at nagpaalam na.







"Thanks bro. Congrats," sambit ni Cj kay Justine. Binuhat niya ako palabas ng venue at saka niya ako sinakay sa backseat para makatabi ko si Kailey.







"Sure ka maayos ka na? Dalhin ka kaya namin sa ospital?" sambit ni Cj at inistart ang makina ng kotse.







"Oo nga maayos na ako. Cold compress at pahinga lang raw ang kailangan ko,"





Tumango sila at dumiretso na kami sa condo. Dahil nga may sprain ako, sa condo nalang kami nagcelebrate. Nagpatulong muna ako kay Kailey na maglinis ng katawan para na rin magpalit ng pantulog na damit.






"Suot mo medal mo, picture tayo!" sambit niya at sinuot sa aking ang medal ko. Pinost niya ulit 'yon sa Instagram saka kami lumabas ng kwarto.







"Salamat sainyong dalawa. Kanina kinabahan talaga ako dahil baka hindi kami manalo at dahil 'yon sa pagkakamali ko,"






"You did great Drei. Stop thinking that," saway ni Cj at nilagyan ako ng pagkain sa plato ko.






"He's right. Just be happy, okay? We're celebrating here!"




Tumawa ako at kumain nalang. Sila ang nagasikaso sa lahat. At ako nakaupo lang rito sa may sofa. Ramdam na ramdam ko na ang pagod at sakit ng katawan ko pati na rin ang pagkirot ng paa ko. Hindi ko alam sa sarili ko bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Ito naman 'yung gusto ko hindi ba? Ang manalo kami. Pero bakit parang hindi ako masaya?







"Sis, I'm gonna sleep na. Maaga pa ako bukas. I'm gonna miss you. Goodnight," she kissed my cheek.






"Goodnight." ngumiti lang ako sa kaniya saka tumitig sa kawalan.







"Tahimik natin ah. Ayos ka lang?" tanong ni Cj at umupo sa tabi ko.






"Pagod lang," sagot ko.






"E bakit parang hindi ka masaya?"





"Hindi ko nga rin alam, Cj. Hindi ba dapat maging masaya ako kasi naging worth it lahat ng pagod ko. Lalaban pa kami sa Australia. Pero bakit hindi ko man lang maramdaman 'yon? Kanina, hiyang hiya ako dahil madali lang naman 'yung gagawin ko. Pero sa sobrang kaba ko nagkamali ako. Tignan mo, hindi ako makalakad. Hindi kita matulungan kumilos rito sa condo mo. Pati ako, nahihiya sa'yo Cj. Kailangan mo pa akong alagaan."





Sunod-sunod tumulo ang mga luha ko at agad naman niya akong inakbayan at pinakalma.




"Shh, Drei...."





"Gusto ko na umuwi kay Mama. Pero wala ring mag-aalaga sa akin roon. Wala rin si Papa. Ikaw na lang 'yung kayang mag-alaga sa akin Cj. Kaya nagpapasalamat ako roon. Kaya pasensya kung ganito pa ang sitwasyon ko ngayon ha? Pangako, babawi ako."







"Shh.. You don't have to Drei. Remember when I made a promise that I won't leave you no matter what happen? Ito na 'yon. Hindi mo kailangan humingi ng pasensya dahil lang sa ganiyan ka."






"Thank you so much, Cj..." binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak ng malakas. Sobrang saya ko lang kasi si Cj palagi ang katuwang ko sa lahat. At ito rin ang rason kung bakit ayokong umamin sa kaniya. Dahil baka layuan niya ako. Malayo na nga si Kailey sa akin tapos siya lalayo pa.







"I'm always proud of you, Drei." he whispered.




--

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now