CHAPTER 48: Lemon's Out

Start from the beginning
                                    

Nang um-okay na ang aking pakiramdam ay sinulyapan ko si Klaude na nakatitig pala sa akin, nang ngumiti ako ay hinaplos niya ang aking ulo at bumuntong hininga.

"Itapon mo yung ginawa mong lemon juice." Mahinang sabi ko.

"Why? I made it for you." Nagtatakang tanong niya.

"I don't like the smell." Sagot ko.

"But that's your favorite." Sagot naman niya.

"Yeah." Napayukong sagot ko pero hindi ko talaga gusto ang amoy.

Wala akong magagawa kung ayaw ni baby ng lemon. Go with the flow nalang ako. Hays.

Mahigpit kong kinapitan ang laylayan ng damit ni Klaude hanggang sa magusot ito pero wala na akong pakialam. Napakagat nalang ako sa labi.

"Get all the lemon out of this mansion. NOW!" Seryoso at maawtoridad na utos ni Klaude.

Sinilip ko ang mga tagapagsilbi na dali daling kinuha ang mga lemon sa kabinet, sa ref at sa storage room. Teka, saan nila balak dalhin ang mga iyon? Itatapon??

"Klaude." Tawag ko.

"What?" Tanong niya agad.

"Itatapon ba nila mga iyon?" Tanong ko naman.

"Yes. You said you don't like it." Sagot naman niya at niyakap ang aking balakang ng isa niyang kamay.

"Pero sayang e.. Why don't you gave it to them instead of throwing all the lemons." Suggestion ko.

Sayang naman kasi talaga lahat e, napakarami pa naman iyon. Hays. Since favorite ko kasi lemon e palagi nang maraming stock sa mansion, halos araw araw nagpapabili si Klaude huwag lang mawalan ng lemon ang mansion para sa sakin.

"Are you sure?" Tanong niya.

"Of course!" Sagot ko agad.

"Okay." Sagot niya at naghagilap ng tagapagsilbi na makakausap.

"Wait me here." Sabi niya.

Akmang bibitawan na ako nang mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at isinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

"Ayaw." Sabi ko.

Bakit self ang clingy mo ngayon? Parang hindi ikaw yan e. Kainis!

"Kakausapin ko lang sila then i'll be back in your arms." Sabi ni Klaude at dahan dahang inaalis ang pagkakahawak ko sa kanya.

"NO!" Sigaw ko kaya natigilan siya.

"Bring me with you wherever you go." Naiiyak na sabi ko.

"Okay okay. Just don't cry, my Queen." Sabi niya.

Tumango lang ako pero nakasubsob pa rin mukha ko sa dibdib niya. Ilang segundo lang ay naramdaman kong umangat ako kaya napahiwalay ako ng konti upang makita ang nangyayari.

And there! Binuhat pala ako ni Klaude paharap sa kaniya, nasa magkabilang gilid niya ang mga hita ko. Sa gulat ay napayakap mga kamay ko sa leeg niya habang naiyakap ko rin sa waist niya ang mga hita ko.

Bigla akong nahiya sa resulta. Bakit ko ba kasi sinabi iyon kanina???!!! Halaa naman. Bad bad bad!

Naitago ko ang aking mukha sa kaniyang leeg dahil sa mga nakita kong reactions sa mga tagapagsilbi. May napangiti, napapailing na mga matatanda at may nailang sa nakitang eksena. Nahiya tuloy ako bigla.

"Klaude, ibaba muna ako please. Nahihiya na ako." Bulong ko sa kaniya.

"What if I don't ?" Tanong niya.

Napatingin tuloy ako sa kaniya bigla dahil sa sinabi niya. Nakita ko ang gwapo niyang mukha na biglang nag smirk, kaya napanganga ako dahil doon. Mas lalo siyang gumwapo kapag nag smirk pala.

"Klaude naman e!" Maktol ko at pilit bumaba dahil sa kahihiyan.

"Stop. I will never let you go Alexandrite. So behave. I like it, ganito pala ang feeling kapag buhat mo ng ganito ang mahal mo. Napakasarap sa pakiramdam." Naka smirk na sabi niya.

Namula naman ako sa sinabi niya kaya napasubsob nalang ako sa leeg niya upang hindi ko makita ang mga reactions ng mga tagapagsilbi sa mansion.

Naglakad na siya palabas ng kusina pero napatigil din bigla kaya nagtaka ako.

"Oh! I forgot. Iuwi niyo na or ipamigay ang mga lemon, iyon ang kagustuhan ng aking asawa." Seryosong sabi ni Klaude na para bang hindi alam ang salitang hiya.

"Maraming salamat Alpha. At maraming salamat din po Luna."

Mga narinig ko na tinanguan ko lamang dahil nahihiya talaga ako sa kanila.

"Where are we going?" Tanong ko.

"Bedroom?" Tanong niya pabalik.

"Huwag." Sabi ko.

Nasa harapan na kami ng hagdan nang tumigil siya at tinignan ako ng nagtataka.

"I forgot something." Nahihiyang sabi ko at hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

"Ano iyon?" Tanong naman niya.

"M-my lunch." Mahinang sagot ko at napayuko.

"We're hungry, Klaude." Sabi ko.

"We're?" Nagtatakang pag-uulit niya.

Sinulyapan ko siya na hindi makapaniwala.

"I'm carrying your child, did you forgot that?" Tanong ko.

"I'm sorry sweetheart. That's explained why you're so heavy. Dalawa pala ang binubuhat ko." Naiiling at natatawang sabi niya.

Hinampas ko naman siya sa balikat dahil sa sinabi niyang mabigat ako. Baliw siya.

Tumawa lang siya sa ginawa ko. Tumalikod na siya at nagtungo na kaming muli sa kusina habang buhat pa rin ako.

Bumalik din naman agad ang nararamdaman kong hiya kanina dahil pabalik kami sa kusina kung nasaan ang mga tagapagsilbing nakasaksi sa amin. Naman!

"Ilang months kana?" Tanong niya bigla nang ilapag ako sa isang upuan.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil ibinaba na niya ako, busy ang mga tagapagsilbi at siya na ang gumawa ng kakainin ko.

Tinanong niya ako kung ano ang mga gusto ko na sinagot ko naman agad dahil nagugutom na rin ako.

"2 months?" Sagot ko.

Dalawang buwan na pala ako, hindi ko napapansin ang araw. Ang bilis naman yata.

"Good, one month to go. Makikita ko na anak natin." May ngiting sabi niya.

Sumaya ako sa isiping malapit na akong manganak. Dahil sa werewolf kami kaya mas maaga ang pagbubuntis kaysa sa normal na taong pabubuntis. Kyng sa tao siyam na buwan, sa aming mga lobo ay may tatlong buwan lang bago manganak.



Pero bigla rin nawala ang saya ko nang maalala ko ang propesiya.


Wala pa rin akong ideya sa pinupunto ng propesiya na manggagaling sa kadiliman ang isisilang na sanggol.


Nakakaramdam ako ng takot sa tuwing maaalala ko iyon. Hinimas ko ang tiyan ko at pilit na napangiti.






"Everything will be alright, baby. Just trust mommy and daddy Klaude."

THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now