CHAPTER 40

1 0 0
                                    


ELLE'S POV

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako at naisipan ko munang tumambay sa terrace ng kwarto ko.

Bigla naman napadako ang tingin ko sa katapat kong kwarto ni Zack, mukhang walang tao, patay kasi yung mga ilaw sa loob,

Iniwas ko na muna ang tingin ko sa mga iyon at tumingin nalang sa kalawakan sa itaas.

Nanatili lang akong nakatanaw sa mga iyon ng maramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin kaya nilingon ko iyon at nakita ko si Zack.

Nagtaka naman ako ng bigla nya akong ngitian, pero wala na akong nagawa kundi suklian na lang yun pabalik at nakita kong pumasok na sya sa loob..

Ilang minuto pa ang itinagal ko dito bago ako pumasok sa loob.

Pag-pasok ko ay nahiga agad ako sa kama, at dahil pagod ako ay ipinikit ko na ang mga mata ko at tuluyan ng nag-palamon sa antok.

● ● ● ● ● ● ● ● ● ●

Kinabukasan.....

Pag-kagising ko ay tiningnan ko agad yung orasan..

5:30 am pa lang pala, pero hindi na ako natulog at naisipang maligo na at magbihis papasok.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay tinawagan ko muna si Thalia, alm kong maaga rin gumising yun.

                           Thalia
                       Ringing.......📞

"Hello"

"Elle?"

"Gising ka na ba?"

"Oo kaso inaantok pa ako"

"Pasok na tayo"

"What?!, ang aga naman"

"May sasabihin kasi sana ako sayo"

"Oh....sige, dadaanan na lang kita dyan"

"Sige, bye Thals"

"Bye"

Pag-katapos ay in-end call ko na at bumaba, nakita ko naman si mommy tsaka si kuya.

Pareho silang nakatingin sa akin kaya naman napatigil ako sa paghakbang pababa, I wonder what's wrong....?

"Mom, Kuya,"...sambit ko, "May problema ho ba?"...tanong ko, pero hindi naman sila umiimik, binilisan ko na yung pagbaba ko sa hagdan at lumapit sa kanila.

"Ma, may problema ho ba?"...ulit ko.

"Can I talk to both of you?"....nagtataka nan ako pero tumango na lang ako kay mommy.

Naupo naman ako sa tabi ni kuya at binaba muna ang bag ko.

"So, your dad and I will be on a business trip for one week"...kala ko naman kung ano na.

"Kelan ho kayo aalis ma?"...tanong ko.

"Bukas ng umaga"...sabi ni mommy at tumango lang ako.

"Alagaan mo kapatid mo Kiel ha?"...bilin ni mommy at tumango naman si kuya.

DING.DONG.DING.DONG

Ako na ang nag-prisintang tumingin doon baka kasi si Thalia na yun.

Pagkalabas ko ay si Thalia nga,

"Thals"....sabi ko at pinapasok ko naman sya.

Inaya ko muna sya sa loob at sumunod naman sya.

 A Stranger's Heart[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon