CHAPTER 9

3 1 0
                                    


MARK'S POV

Mark Cyron Imperial here 👋

Maaga akong nagising dahil Lunes ngayon at may pasok kami.

Naalala ko tuloy yong kagabi, sobrang sakit naman kasi ng pinagdaanan ni Zack.

Nakigo lang ako at nagbihis tapos bumaba na ako.

Pagkababa ko ay sinalubong at binati ko si mommy at daddy. Kumain agad kami at nagkuwentuhan ng mga bagay tungkol sa pag-aaral ko at iba pa.

Nauna si daddy na umalis dahil baka ma-late daw sya sa opisina. Sumunod din naman agad ako dahil nagpaalam pa ako kay mommy bago lumabas.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay nag-maneho agad ako papuntang school naabutan ko yung apat sa may parking lot kaya pi-nark ko kaagad yung kotse ko.

"Hey Bud"......bati ni Bryce sa akin at inakbayan ko naman agad sya.

"Hinihintay nyo ba ako ha?"......pagtatanong ko pa sa kanila.

"Oo"....tipid na sagot ni Blake sa akin.

"Bakit naman?"......pagtatanong ko pa sa kanila.

"Tsh! Di ba pwedeng gusto ka lang namin hintayin tsaka ngayon na lang ulit tayo nagkasabay-sabay lima sa pagpasok"......singit naman ni Zack, napansin ko lang bakit ganon aura nya, parang cold na di maintindihan, hayys wag ko na nga yun pansinin.

Saktong pagpasok namin sa gate ay maririnig na naman ang mga hiyawan ng mga kababaihan rito.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!

Andyan na sila girls!!!!!!!

Ang gwapo mo Zack!!!!

Ang cute mo Mark!!!!

Be mine Travis!!!

Ang hot nyong lima!!!!

Ang gwapo mo din Blake!!!

Bryce mylabsss!!!

Marry me please!!!

Ngumiti naman ako dahil sa mga babaeng nahuhumaling sa amin. Grabe ang gwapo talaga naming lima.

Pagkarating namin sa classroom ay may nakabangga bigla si Zack na lalaki.

"Hoy ano ba!".....nagulat ako sa lakas ng boses nya ng sabihin nya yon dun sa lalaking nakabangga sa kanya.

"S-sorry Zack"....sabi nung lalaking nakabangga kay Zack.

"Lint*k na sorry na yan, Bakit nga ba kailangan pa ng pulis kung nareresolba naman ng salitang sorry yung mga maling gawa natin".....sinamaan nya ng tingin yung lalaki at naunang maglakad papunta sa upuan nya kaya sumunod na lang kami.

"Bud, kumalma ka nga, kanina ang ayos ayos ng dating mo ngayon naman sobrang init ng ulo mo, Ano bang nangyayari sa inyo".....pang-sisuta ko sa mga inasal nya kanina.

"Psh!"....tipid nyang sagot sa mga pinagsasabi ko.

"May problema ba Zack?".....tanong naman ni Blake.

"Wala".....ayan nagiging cold na naman sya, para bang bumabalik sya sa dating Zack.

"Kung ano man yun nandito lang ka---".....naputol yung sinasabi ni Travis dahil muling nag-salita si Zack para barahin sya.

"Wala nga akong problema!"....inis nyang sabi sa amin.

"Bud wag naman sana..."....halatang nagaalala si Bryce sa kanya.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now