CHAPTER 51

1 0 0
                                    


ELLE'S POV

Pagkababa ko ng tawag namin ay di ko mapigilang mapangiti.

Tulog sila mommy at daddy, dahil na rin sa pagod kaya di nila mapigilang antokin. Si kuya naman ay lumabas upang bilhan ako ng pagkain.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. Pumasok si kuya dala yung pagkain na binili nya.

"Oh, kain na....pagkatapos iinum ka na ng gamot"...bilin nya at nagsimula na akong kumain.

Pagkatapos kong kumain ay pinainom nya agad ako ng gamot.

"Kuya"...tawag ko habang abala sya sa pagliligpit ng pinagkainan ko. "Oh! ano yun?"

"Si Zack.....pinayagan ko ng manligaw".....sabi ko at di naman agad sya nakasagot.

"Basta wag kang sasaktan"...sabi ni kuya. Atleast alam ko at ramdam ko na payag talag si kuya.

"Pwede ba yun, hindi naman natin maiiwasan na hindi saktan yung tao diba"...saad ko at napatawa na lang si kuya sa akin.

"Hay naku, ang dami mong alam, matulog ka na nga. Ayaw ko lang makita kang nasasaktan. Masakit sa akin yun okay, ikaw na nga lang ang nag-iisa kong kapatid"....sabi nya at umupo malapit sa akin.

"Alam mo ba nung ipinagbubuntis ka palang ni mommy, halos araw-araw kong kulitin si mama na sana babae ka. Gusto kitang protektahan. Gusto ko ako ang palaging magliligtas sayo. Pero sa huli ikaw yung palaging nagliligtas sa akin. Ikaw yung sumasalo ng paghihirap na dapat para sa akin"....saad ni kuya at hinawakan nya ang isa kong kamay at naramdaman ko na lang na namamasa ito.

"Umiiyak ka ba?"....tanong ko. Tukoy nadadamay na rin ako. "Hindi ah"...tanggi nya pero sinisipon naman na.

"Ayos lang yun kuya. Kahit ilang bala pa ang saluhin ko para sayo okay lang. Makita lang kitang ligtas masaya na ako. Ayaw ko ng maulit yung dati. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng paghihirap nyo. Kung kailangan kong itaya ang buhay ko para sa inyo, gagawin ko"....saad ko at niyakap ko sya.

"Nagpapaalam ka na ba?"...pagpapatawa ni kuya kaya naman mahina akong napatawa sa sinabi nyang yon.

"Tsk! Para kang bata kuya, may paiyak-iyak ka pang nalalaman, dinamay mo pa ako"...sabi ko.

"Haha....basta bunso, wag mo ng ipapahamak ang sarili mo ha"...sabi nya.

Ayaw kong mangako.

Ayaw kong sabihing oo.

Hindi ko maipapangako.

Ganito na ako eh.

"Kuya....may sasabihin ako sayo"...saad ko at napatingin naman sya sa akin at pinahid ang mga luha nya. "Ano yun?"...tanong nya.

"Mangako ka muna.....na hindi mo sasabihin toh kahit kanino maski kina mom at dad pati na rin kay lolo.."....saad ko na lalong ikinataka ni kuya.

"Ano ba yun bunso?"....tanong ni kuya.

"Sydney and her Grandfather planned this all along. Pinapagplanohan nila ang pagpapabagsak ko at ni lolo. Sila nagpapadala ng black cards na natatanggap ko. Sila ang DVG"...saad ko. "Paano mo nalaman toh?"...tanong ni kuya sa akin. "Sinabi nya, tanga sya eh"...sabi ko.

"Bunso seryoso, ano pang nalaman mo?"....tanong ni kuya. Nakatutok sa sunod na sasabihin ko.

"12 pm....hinamon nya ako.....Hand on hand sparring....sa Battle Grounds"....sabi ko at pareho kaming natahimik sa sinabi ko.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now