CHAPTER 44

1 0 0
                                    


ZACK'S POV

Pagkauwi namin ay pinauna ko syang pinapasok bago ko igarahe itong kotse ko.

Naisip ko tuloy yung kanina.

Talaga bang hanggang kaibigan lang ako? Ms. S?

Syempre kahit ganun nasaktan din ako ng onti.

Pagkapasok ko ay abala ang lahat maliban na lang kay dad na wala pa dito, malamang nasa office nya pa yun.

"Hi mom,"...bati ko at napatingin naman sya sa akin habang naghahain ng pagkain sa mesa.

"Kamusta?"....alam ni mom, kasi kaya ako medyo natagalang sunduin si Elle kanina kasi andaming tanong ni mommy kaya sinabi ko na rin.

Ngumiti naman ako kay mommy sabay thumbs up.

"Naku!!Binatang binata ka na talaga"....sabi nya tas yumakap sa akin.

Napangiti rin naman ako kahit na medyo may dinadamdam ako ng konti.

"Tara kain na"...yaya ni mommy, medyo gutom ako kaya pumayag na rin ako.

Habang kumakain ay napuno kami ng tawanan at kwentuhan dahil tanong ng tanong si mommy about dun sa Amusement Park (EK)

Pagkatapos non ay umakyat na muna ako sa kwarto at nag-shower.

Habang sumasagitsit ang tubig ng shower na tumatama sa katawan ko ay di ko pa rin maiwasang isipin lahat ng nangyari kanina.

Ang saya, ang saya sa pakiramdam na kahit takot sya pinili nya pa rin akong samahan sa mga bagay na gusto ko.

Kahit hilo na sya, sya pa rin nagyaya sa ferris wheel.

Mas lalo tuloy kitang nagustuhan.

Okay lang kung kaibigan ang turing mo sa akin basta ako higgit pa dun ang turing sayo.

Pagkatapos kong nagshower ay nagtuyo muna ako ng buhok at nagbihis na rin.

Kinuha ko ang cellphone ko, matext nga.

Compose message....
To: Ms. S
Okay ka na ba?
6:35 pm
Sent✅

Pinatay ko muna cellphone ko at binuksan yung closet ko.

Binuksan ko ang isa sa mga drawer non. Nandun pa rin yung ibang mga black cards na natanggap ko.

Ilalabas ko na sana isa isa ng magtunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha.

One new message...
From: Ms. S
Oo okay na nawala na yung hilo, salamat nga pala kanina:)
6:36 pm

Naoangiti naman ako dahil sinamahan pa talaga ng smiley face sa huli.

Compose message....
To:Ms. S
Your welcome:)
6:37 pm
Sent✅

Nilagyan ko rin ng smiley face.

Matapos yun ay muli kong ibinalik ang atensyon ko sa mga cards na nasa drawer ko.

Kinuha ko itong lahat, nga pala si Thalia, diba may gang sya..baka alam nya ang tungkol sa mga ganto kung bakit ako nakakatanggap nito.

Tinago ko na muna ang mga ito. At tama pupunta ako, sa kanila sa sunod.

Pokus na lang muna ako sa praktis bukas dahil next month ay may gaganaping Intrams, at di yun basta basta intrams na sa loob ng school lang.

Ang intrams na laging nagaganap sa Slyverio Academy ay kasama lahat ng schools meaning sa mga sports ay magkakompetensya ang bawat school and this time kami ang host so sa school lahat magaganap ng competition.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now