CHAPTER 54

2 0 0
                                    


ELLE'S POV

Ang bilis ng araw, discharge na ako at nag-aayos ako ng sarili ko sa harap ng salamin sa loob ng kwarto.

Papasok ako ngayon, ayaw pa sana akong payagan nila mama pero nag-pumilit ako. Tsaka magaling na rin naman mga sugat ko.

Pagkatapos kong ibutones ang uniporme ko ay bumaba na ako.

"Anak, are you really sure about this?"..ayan na naman tayo ma.

"Ma magaling na ho ako, malakas na po katawan ko, wala ho kayong dapat ipag-alala"...sabi ko at kumapit kay mommy.

"Basta tawagan mo ako ha o kaya ang dad mo or ang kuya mo ha?"...sabi ni mommy.

"Ma okay lang po talaga ako, tsaka di na ho ako bata may manliligaw na nga ho eh"....sabi ko at tinitigan lang ako ni mommy, sakto namang may nag-doorbell.

"Ako na ho"....prisinta ko at binuksan ang pinto at sakto namang bumungad ang lalaking nung isang araw lang ay pinayagan ko ng manligaw.

"Good morning"...bati nya at nginitian ko lang din sya pabalik. "Good morning"...bati ko.

"Oh Zack hijo"...narinig kong tawag ni mommy. "Ay good morning po tita"...bati ni Zack kay mama at nagbeso pa sila.

"Ang aga pa ah, di pa nga nag-aalmusal itong si Elleana, pasok ka muna kaya habang hinihintay mo sya"...yaya ni mommy at pumasok naman sya.

"Di ka pa kumakain?"...tanong nya at naoatango na lang ako.

"Kabababa ko lang kasi tsaka ayaw kasi akong payagan ni mama pumasok"...paliwanag ko.

"Dapat sinabi mo pangalan ko"....biro nya pa. "Tsk! Ano namang mangyayari pag sinabi ko pangalan mo?"...sinakyan ko na lang biro nya.

"Tito knows, kasi sabi nya ingatan kita kaya kapag sinabi mo pangalan ko automatic na yun parang machine, they know that you're safe with me"...sus..pabanat talaga ni Mr. S

"Tsh! Alam ko, ikaw kumain ka na ba?"...tanong ko at tumango lang sya sa tanong ko.

"Pero kung susubuan mo ako baka kumain ulit ako"...bulong nya kaya naman hindi agad ako nakasagot.

Hanggang sa lumapit din ako sa kanya at bumulong. "Yaan mo pag naging tayo, kahit anong pagkain, handa kong isubo sayo"...bulong ko at naramdaman kong napatulala na lang sya kaya naman natawa na lang ako bago ko sya iwanan sa sofa para kainin ang almusal ko.

Ganito ba yung feeling ng nag-mamahal?

Ang weird lang kasi, sa mga laban ko lang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Pero ngayon, maisip ko lang sya, parang may gyera sa puso ko.

Yung gyerang hindi ko kayang patigilin.

Pagkatapos kong kumain ay naabutan ko si Zack na andun. Nakita kong may hawak syang isang picture frame.

Unti-unti pa akong lumapit hanggang sa nakita ko yung picture na tinitingnan nya.

It was me and kuya Kiel. 3 years old pa lang ako at si kuya 7 years old na sya. Naghahabulan kami.

Habang nakakatitig sya doon ay unti unti kong kinuha sa kanya ang larawan kaya naman napatingin sya sa akin..

"3 years old pa lang ako nito, si kuya naman 7, naghahabulan kami nito non pero nadapa pa nga ako kasi ang bilis tumakbo si kuya."...sabi ko at humarap sa kanya.

"At imbes na tulungan ako pinagtawanan nya pa ako kaya ayun, umiyak ako at nagsumbong kay mommy"....dagdag ko.

"Naikwento ni tito nung bata ka raw ang tapang tapang mo na halos lahat ng mga bata ayaw lumapit sayo"...si dad talaga.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now