CHAPTER 37

1 0 0
                                    


ZACK'S POV

"Do you like me?"

Gusto ko nga ba sya? No Zack!

You don't!

"Zack, I'm asking you, Do you like me?"...pag-uulit nya sa sinabi nya kanina.

"Concerned lang ako, kasi kaibigan kita okay"....tanging nasabi ko at inalis naman nya ang paningin sa akin.

"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh, pero yaan mo na"...nasabi nya na lang.

Napapaisip pa rin kasi ako kung gusto ko na ba sya, hindi ko alam pero sa tuwing may mga pangyayaring nai-involved sya parang may sariling buhay itong katawan ko, na parang lahat ng mga nangyayari sa kanya, gusto ko involved din ako, when it's not really my business.

"Tara na, dumidilim na oh".....nauna na syang tumayo at sumunod naman ako sa kanya. "Elle, okay ka lang ba?"...tanong ko at tumingin naman sya sa akin.

"Oo naman bakit naman hindi ako magiging okay?"

"Nakita ko kasi kanina, I saw how Lexa pulled you hair"...sabi ko sa kanya. "Okay lang ako, medyo masakit nga lang haha"...tatawa-tawa nyang sambit kaya tumango naman ako.

Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang hindi sya tingnan..hanggang sa masinagan ko ang nakakasilaw na ilaw na tumatama sa lugar namin kaya kitang-kita ko ang humaharurot na motor patungo sa amin, nilingon ko naman si Elle pero hindi sya nakatingin doon kundi patuloy lang sa paglalakad..kaya dali-dali kong hinawakan ang kanyang kamay para mapalapit sya sa akin kaya nalagpasan lang sya ng motor.

"Okay ka lang ba?"....tanong ko habang sinusuri pa rin ang paligid namin kaya naman nailang ako ng mapansin ko ang katayuan naming dalawa.

Halos magkadikit na ang mga katawan namin kaya naman nilayo ko ang sarili ko sa kanya, dahil alam kong naiilang na rin sya.

"Elle, okay ka lang ba?"...pag-uulit ko sa sinabi ko. "A-ah O-oo, salamat Zack"...tugon nya at nagpatuloy ng malakad sa. "Ano bang iniisip mo? Tuloy muntik ka pang masagasaan?"

"Sorry, hindi ko nakita"...sabi nya.

"Huwag mo ng uulitin yun hah? Pinapag-alala mo naman ako eh"....alalang sambit ko sa kanya at tumango naman sya.

"Tara na"...tanging naitugon nya at nagpatuloy na ulit mag-lakad.

Pagdating namin ay nag-paalam na ako sa kanya pero hinintay ko muna syang makapasok sa kanila bago ako pumasok sa bahay namin.

"Oh anak andyan ka na pala"...sabi ni mom at tumango naman ako kay mommy.

"Oh halika ka na at kumain ka na"...yaya ni mommy at sumunod naman ako sa sinabi nya kaya naupo na ako sa isa sa mga upuan doon at nagsimulang kumain.

Pagkatapos ko ay nag-paalam na ako kay mommy at umakyat na ako pataas sa kwarto ko.

Pagka-pasok ko sa kwarto ko ay napaupo na lang ako sa kama.

"Sino naman kaya ang mokong na yun, at bakit naman nya tatankain na banggain si Elle?"....napaisip na lang ako sa mga pangyayari kanina.

Ang mga Bad Bitches tapos yung motor kanina?

Ano bang meron? Bakit andaming nangyayaring ganito.

Noon tahimik pero nung time na yun mga bullies pa kami at madaming grupo ng mga bullies noon mapa-babae man o lalaki at isa na kami doon..But yun din ang ikinasira ng reputasyon ng school and that is why nagalit si daddy sa akin and I never get to see his smile again hanggang noong isang araw, muli kong nasilayan iyon and I feel comfortable again.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now