CHAPTER 36

0 0 0
                                    


ELLE'S POV

"Bunso!!"... rinig kong sabi ni kuya pero nanatili lang akong tulog at nakahiga sa kama.

"Ano ba yan, bumangon ka na nga dyan, late ka na oh"...nataranta naman akong bumangon at tiningnan ang wall clock na nasa kwarto ko, jusko WTF, 7:00 am na, meaning late na ako sa first subject.

"Bakit hindi mo ako ginising kuya"....sigaw ko sa CR namin...

Oo magaling na si kuya ilang araw na rin naman ang nakalipas eh, pero kailangan ko na talagang mag-madali dahil late na ako.

"Kanina pa kita ginigising kaso hindi ka naman bumabangon"...paliwanag ni kuya kaya mbilis ko namang tinapos ang pagto-toothbrush ko at naligo kaagad.

Pagkabihis ko ay kinuha ko na yung susi ng kotse ko, kung lalakarin ko pa baka malate na ako sa susunod na subject.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko at ipinarada ito sa parking lot ng school.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at patakbo na akong nagpunta sa room at syempre sarado na meaning nag-di-discuss na sila.

Hingal na hingal pa ako kaya bago ako kumatok sa pintuan ay huminga muna ako ng malalim.

KNOCK.KNOCK

Sana naman wag akong giyerahin ng masungit naming lec. kasi ayaw pa naman non ng late.

"Come in"...parang hindi yata galit ang lec. namin ngayon eh isang oras akong late.

Pumasok naman ako at napatigil naman ako ng biglang mag-salita si Mrs. Reyes.

"I know the reason why you're late"...sabi ni mam sa akin.

"Bu--"

"Mr. Marquez told me that you had an emergency this morning that's why you're late, you may sit down"...sabi nya at umupo naman ako. Wait what?! Anong emergency? Eh nalate nga ako ng gising.

Hinarap ko naman si Zack pero seryoso naman syang nakikinig sa lec. namin kaya naman isinantabi ko muna ang mga katanungan sa isip ko.

Pagkatapos ng klase ay marami sa mga kaklase namin ang nagderetso na sa canteen kaya naman bago pa makalabas sila Zack ay tinawag ko na sya.

"Zack"...tawag ko pero hindi agad sya lumingon kundi ang mga kaibigan nya lalo na si Bryce.

"Tol tawag ka ni M-ms. S"...sabi nung isang brown ang kulay ng buhok na katabi ni Zack.

"B-bakit"...utal na sagot nya at nagtaka naman ako.

"Pwede ba tayong mag-usap?"..paki-usap ko at hinintay ang kanyang pag-tango.

"Mamaya na lang siguro"...kanina na-uutal ngayon cold..

"Pero--"...naputol ang sasabihin ko ng talikuran nya ako at tuluyan ng lumabas ng classroom at napansin ko naman si Sydney na dumaan sa harap ko.

"Wag kasing assumera"...sabi nya sabay sama ng tingin sa akin at ano daw? Ako? Assumera? Anong pinagsasabi nong babaeng yun? Pati anong konek non sa sinabi ko..

"Ah so ibig nyang sabihin, Wag akong mag-ASSUME na kakausapin ni Zack, haha, baka sinasabihan nya yata sarili"...sabi ko pa...pero mahina lang.

"Uy bes okay ka lang, anong Assume-assume pinag-sasasabi mo dyan?"...medyo nagulat pa ako dahil nasa gilid ko na pala si Thalia.

"Tara na nga lang sa canteen"...sabi ko at nagpunta naman na kami.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now