CHAPTER 10

3 1 0
                                    


ELLE'S POV

Maaga akong nagising mga quarter to 3 am pa lang siguro. Bumangon agad ako sa aking higaan para maghanda sa first day training ko ngayon.

Pagkatapos kong maligo ay nagtungo ako sa baba.

Wala pala akong katulong sa bahay, oo nga pala sabi ni lolo dapat matuto daw akong tumayo sa sarili kong mga paa, pero masaya pa rin ako kahit na ganun kasi kahit yung bahay ni kuya wala rin syang kasamang mga katulong.

Nagtungo na lang ako sa kusina at naghanda para sa umagahan ko.

Saktong tapos ko sa pagluluto ng biglang may nag-doorbell sa pintuan kaya agad ko itong pinuntahan para pagbuksan.

"Good morning Miss Raine".....bati pa ni Billy sa akin at nagbow pa sya sa akin kaya binati ko din sya.

"Good morning Billy".....pormal na bati ko at nagbow din ako sa kanya.

"It's good to see that you're up early in this morning because I thought you're still a sleepyhead"......pabiro nya pang sabi.

"I'm all grown up now!".....kunwaring inis na sabi ko sa kanya at tinawanan nya lang ako.

"So let's go?".....bigla naman nyang tanong.

"I'm not done eating".....pormal pa ring tugon ko sa kanya.

"Tsk! You silly kid, okay now go in and finish your food, remember I will let it slide today so don't do that again tomorrow okay".....natatawa pa nyang sabi at biglang sumeryoso.

"Yeah yeah whatever"......nasabi ko na lang at bumalik sa loob para kumain.

Pagkatapos ko ay kinuha ko na yung mga gamit ko at lumabas ng bahay.
Nakita ko naman agad si Billy nakatayo sa tabi ng kotse kaya nilapitan ko agad sya dahil baka magalit sya sa akin kasi ang tagal ko.

"Billy".....tawag ko pa sa kanya.

"Yes Miss Raine?"......tugon naman nya sa akin.

"Sorry dahil pinaghintay kita ng matagal"....biglang sabi ko sa kanya kaya naman nginitian nya ako at nagsimulang mag-salita.

"It's Okay, Sanay naman na ako".....nakangiti pa ring tugon nya sa akin kaya nginitian ko na rin lang sya at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Tahimik lang ako buong byahe at natinag lang ako ng biglang i-anunsyo ni Billy na nandito na kami.

"We're here"....pormal nyang anunsyo sa akin.

Hindi na ako nagsalita dahil bumaba na agad ako sa sasakyan para pagmasdan ang bagong training camp na inilaan para sa akin ni lolo.

"Let's go"....bigla namang yaya nya sa akin papunta sa loob kaya sumunod na lang ako.

Pagkarating ko sa loob ay may isang babaeng inutusan si Billy para dalhin ako sa isang kwarto kaya sumunod na lang ako dito.

Pagkarating ko dun sa kwarto ay may ibinigay sya sa aking paper bag, magtatanong pa sana ako kung ano ang laman non ay bigla na lang nyang isinara ang pinto.

Dahan dahan kung binuklat yung paperbag at nakita ko yung isang t-shirt na white na may tatak sa likod ng panagalan ko tsaka isang track pants na may tatak din sa gilid na Archer.

Agad ko naman itong isinuot at tiningnan ang itsira ko sa salamin. Okay naman na yung itsura ko kaya lumabas na ako at nakita ko agad si Billy.

"Let's go"......pormal na sabi nya at sumunod naman ako sa kanya.

 A Stranger's Heart[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon